My wife’s uncle died November last year at the age of 62. He is single and living with his mother who is now 88 years old. The family did not file any SSS benefits yet. Is he entitled to any benefits from SSS? What will happen to his SSS retirement pension which he is receiving for 2 years now? Thank you! – Monching Agra
Good day, Sir Monching! The family can file for the SSS Funeral and Death Benefit. The Funeral Benefit is a cash benefit given to whoever pays the burial expenses of the deceased member or pensioner. Effective August 2015, the funeral benefit amount ranges from P20,000-P40,000, depending on the member’s monthly salary credit and credited years of service. The claimant should file the duly accomplished SSS Funeral Benefit Application Form, which is available at any SSS branch, or can be downloaded at the SSS website, www.sss.gov.ph. The following documents such as copy of the official receipt from the funeral parlor, certified true copy of the deceased member/pensioner’s death certificate, and claimant’s identification cards should also be submitted to SSS.
SSS Death Benefit on the other hand, is a cash benefit paid either in monthly pension or lumpsum to the member’s primary beneficiary – the surviving legal spouse and or children below 21 years old, whether legitimate, legitimated, legally adopted or illegitimate children, unmarried and not gainfully employed, and if over 21 years old, the child is congenitally or while still a minor has been permanently incapacitated and incapable of self-support, physically or mentally. However, since the deceased member has no primary beneficiary and had received his pension for two years already, the secondary beneficiary, which in this case is his mother, shall be entitled to receive the balance of the five (5) year guaranteed period. Hence, his mother will receive the remaining three years equivalent to the monthly pension of the member to be paid in lumpsum. Thank you! #
Hi SSS! Ano po ‘yung SSS Disability Benefit? Baka po kasi pwedeng kumuha ‘yung mister ko n’yan. Naaksidente po kasi siya noong November 2018 at naka-wheelchair na lang po siya ngayon dahil kinailangang putulin ang kanyang dalawang paa. Matagal po siyang naghuhulog ng kanyang SSS contributions noong nasa minahan pa siya. Sana po ay matulungan n’yo ako sa aking katanungan. – Nimfa Feliciano, Lower QM
Hi Nimfa! Ang SSS Disability Benefit ay ibinibigay ng SSS sa mga miyembrong nakapaghulog ng kahit isang buwang kontribusyon lamang. May dalawang klase ang Disability Benefit – ito ay ang Permanent Partial at Permanent Total Disability. Sa kaso ng iyong mister, maaari siyang mag-file sa ilalim ng benepisyong ito. Subalit, kung kwalipikado pa siya sa ilalim ng SSS Sickness Benefit kung mayroon siyang tatlong hulog sa nakalipas na 12 buwan bago ang semestre ng kanyang pagkabalda, unahin muna n’ya ito. Pagkatapos ng 240 days, maaari na siyang mag-file ng Disability. Samantala, ang benepisyong kanyang matatanggap ay batay sa bilang ng kanyang hulog. Kung nakapaghulog ang iyong mister ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon, makatatanggap siya ng buwanang pension. Lump sum naman ang kanyang makukuha kung nakapaghulog siya ng mas mababa sa 36 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng kanyang pagkabalda. Maaaring kayong magpunta sa Medical Evaluation Section ng SSS Baguio Branch para sa filing ng kanyang aplikasyon. Salamat! #
Good afternoon SSS! I thought 105 days lang ang pwedeng i-avail sa bagong Maternity Benefit? I heard from a friend na may additional pa palang 30 days? Please enlighten me on this. TY! – Blossom
Hello Blossom! Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law, 105 araw ang paid maternity leave na ibinibigay para sa mga kwalipikadong babaeng miyembrong nanganak, normal delivery man ito o ceasarian section. May opsyon din siya sa kaukulang 30 araw na dagdag na leave ngunit wala na itong bayad. Kinakailangan lamang na abisuhan mo ang iyong employer sa extended leave na ito. Maraming Salamat! #
====
Partner Agent na ng SSS ang BAMAPCOM Entrepreneurs Multi-Purpose Cooperative. Maaari na rin silang tumanggap ng bayad para sa SSS contributions at loan amortizations ng kanilang mga miyembro na mga kasapi rin ng SSS. Bilang partner agent, awtorisado din silang tumanggap ng mga benefit applications upang sila na mismo ang mag-sumite nito sa SSS.
====
Nais naming ipaalam sa aming mga pensioners na bukas pa rin po ang SSS Pension Loan Program para sa ating mga retiree-pensioners na may panandaliang pangangailangang pinansyal. Simula October 2019, maaari na silang makahiram hanggang sa maximum amount na P200,000. Sa mga nais mag-avail ng PLP, magsadya lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.
====
Patuloy po na tumutok sa ating “Usapang SSS” sa radyo tuwing Martes ng 10:30 am sa DZWT 540 Khz, at tuwing Biyernes ng 9:00 am sa 98.7 Z-Radio.
====
Magpadala po kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa ating mga susunod na column.