Ito ay isa sa mga laging tanong sa mga counter ng SSS tuwing may nagfafile ng claim. Sakaling may anak sa labas o illegitimate child ang namatay na myembro, pwede bang magclaim ang naturang anak?
Sa kaso ni Arturo, myembro ng SSS na namatay at naiwan ang kanyang misis at mga anak na lampas 21 na ang edad, may nagpakilalang bata na di-umano’y anak nya sa isang nakarelasyon, lingid sa kaalaman ng legal na misis na si Anna.
Parehong nagfile ng Death Claim sina Anna, ang legal na asawa at si Eliza, ang umano’y nakarelasyon ni Arturo, para sa benepisyo ng noo’y 8 taong gulang na anak na si Princess.
Nagprotesta ang legal na misis sa claim para kay Princess. Kaya inobliga ng SSS na magpakita ng katibayan si Eliza na si Princess nga ay anak ni Arturo. Ang tanging naipakita nito ay ang baptismal certificate ni Princess kung saan nakasaad ang pangalan ni Arturo bilang ama ng bata. Nagsubmit din ng mga Sinumpaang Salaysay o Affidavit si Eliza mula sa mga naging kaboardmate nila sa di-umano’y inupahang kwarto nung nagsama sila ni Arturo.
Nararapat bang bigyan ng benepisyo si Princess base sa claim ng ina nito na ang bata ay anak din ni Arturo?
Nakasaad sa Art. 172 ng Family Code na ang relasyon ng mga lehitimong anak (legitimate children) ay maaring mapatunayan sa mga sumusunod:
Ang record of birth o tala ng kapanganakan sa civil registrar o isang huling hatol o final judgment; o
Pag-amin ng lehitimong relasyon sa isang pampublikong dokumento (public document) o sa isang pribadong sulat kamay na kasulatan o dokumento (private handwritten instrument) na pirmado ng magulang na sangkot (parent concerned).
Kung wala ang mga nasabing ebidensya, maari ring patunayan ang lehitimong relasyon sa isang magulang sa pamamagitan ng:
Hayagan at tuloy-tuloy na katayuan bilang lehitimong anak (open and continuous possession of the status of a legitimate child); o
Sa iba pang paraang pinapayagan ng Rules of Court at special laws.
Ayon sa Art. 175. Sa parehong paraan din na nakasaad sa Art. 172 maaring patunayan ng ilehitimong mga anak (illegitimate) ang kanyang relasyon sa sinasabi nitong magulang.
Dagdag pa ng batas, kung ang basehang gagamitin ay ang pangalawang talata ng Art. 172 (second paragraph), maari lamang patunayan ang filiation o pag-alam ng relasyon ni Princess sa umano’y ama nito nung buhay pa si Arturo, ang umano’y ama ng bata.
Ayon sa ebidensyang hawak ng SSS, walang maipakitang birth certificate na may pangalan si Arturo bilang ama ni Princess. Wala rin itong maipakitang public document o pribadong dokumento na pirmado ni Arturo na inaangkin nito si Princess bilang anak.
Ang mga sinumpaang salaysay ng mga dating boardmates di-umano ng namatay at ni Eliza ay hindi patunay ng sinasabing “open and continuous possession” ng katayuan ni Princess bilang anak sa labas ni Arturo. Dahil ayon sa batas, ang naturang hayagang pagpapakita ng status bilang anak sa labas ay nararapat na maipakita ng mismong kilos ng magulang ng bata o ng kanyang pamilya o habang pinagbubuntis pa lang ang bata noong nagsasama sila ng sinasabing ama nito (Art. 283, Civil Code). At ayon din sa batas, kung ito man ang pagbabasehan, dapat kinilala ng nasabing ama ang bata noong ito ay nabubuhay pa.
Sa kaso ng Republic v. Workmen’s Compensation Commission, 121 Phil 261, ayon sa Korte Suprema:
…the illegitimate (spurious) child, to be entitled to support and successional rights from his parents, must prove his filiation and this may be done by means of voluntary or compulsory recognition of relationship. For this purpose, the provisions concerning natural children are held applicable…
Ang sinasabing voluntary recognition ay sa pamamagitan ng record ng kapanganakan ng bata o sa kanyang birth certificate o sa isang statement sa harap ng hukuman or sa anumang authentic writing. Maari ring sapilitang akuin ng ama ang anak sa labas sa pamagitan ng compulsory recognition na nakasaad sa Art. 283 ng Civil Code.
Upang maiwasan na kilalanin ng isang magulang na anak nito ang isang bata gayung hindi naman kanya ito, hinango ng Supreme Court ang opinyon ni Justice Alicia Sempio-Diy sa kanyang sinulat sa Handbook on the Family Code of the Philippines, “It is a truism that unlike legitimate children who are publicly recognized, illegitimate children are usually begotten and raised in secrecy and without the legitimate family being aware of their existence. Who then can be sure of their filiation but the parents themselves? But suppose the child claiming to be the illegitimate child of a certain person is not really the child of the latter? The putative parent should thus be given the opportunity to affirm or deny the child’s filiation, and this he or she cannot do if he or she is already dead.”
Gayundin sa SSS, dahil nga kadalasa’y sikreto ang pagkakaroon ng anak sa labas, sino ba ang maaring makasiguro na ang isang umano’y beneficiary ay anak nga ng myembro? Nararapat lang na mabigyan ng pagkakataon ang itinuturong ama ng bata na pangatawanan na sya nga ang ama o pabulaanan ito. Sa kasamaang palad, mahihirapan na itong patunayan pag patay na ang di-umano’y ama ng ilehitimong anak kung wala ang mga nabanggit na katibayan.
Hindi sa pagpanig sa mga sinasabing anak sa labas, pero kadalasan sa mga claim sa SSS, ang mga ilehitimong anak ay mas bata kaysa sa mga lehitimong anak kaya oras na naipakita ang ebidensya na sila ay anak ng myembro, sila ang nagiging beneficiary ng namatay na myembro lalo na kung patay na ang legal na asawa. May mga pagkakataon ding sabay na tumatanggap ng pension ang legal na asawa at mga anak sa labas, at nakikihati lamang ang legal na asawa sa mga anak sa ibang babae ng yumaong myembro
“Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, at maging tapat sa isa’t isa ang mag-asawa…” (Hebreo 13:4 MB)
Gud am po Mam/Sir,naka2tanggap po ng pension 2 Kong ank kht d po km kasl ng ama ni un po karapatan nila bilang minor…namatay po ang isa at ako po pinapunta ng original n mga ank s opisina bka my mkuha na burial SBI ng opisina pagpatay na ang ama magic wla ng maclaim ang ank…ang tnung ko po possible po na mkuha ng original ang pension ng nmayapa Kong ank o dapat ko po bng ibalik s knla kc Patay na po ank ko.
Maraming naging anak sa iba ibang babae ang ama ng anak ko.una may 3 cyang nging anak.pangalawa ako.sa akin isa.pngatlo wla pero ito ang knyang pinakasalan.png apat may isa rng anak.pang lima isa dn.png anim meron dn at yon ang kinksama nya ngyon.sa mga nging ank nya wla cyang sinuportahan.ngunit ang aking anak lg ang nakalagay sa knyang sss benificiary.10 taon na hndi ngbigay ng suporta sa anak nmin.my karaptan po ba ang ank ko na huminge ng sustento ngayon sa knyang ama khit 10 years na ang nklipas?kung mg aaswa n po ako ngyon may karaptan p rn ba ang anak ko?may krapatan din ba ang iba pang mga anak nya sa knyang sss benifits.