Noong unang linggo ng Disyembre, natanggap na ng SSS pensioners ang kanilang 13th month bonus. Paskong handog ito ng SSS bilang pasasalamat sa ating pensioners na noo’y aktibong nagbabayad ng kontribusyon kaya naman patuloy din kami sa pagbibigay ng makabuluhang benepisyo sa iba pang mga miyembro.
Para sa mga SSS member na kagaya ko na kasalukyang naghuhulog ng kontribusyon, sana ay manatiling positibo ang inyong mindset pagdating sa kahalagahan ng pagiging aktibong miyembro ng SSS. Hindi lamang retirement benefit ang maaari niyong makuha sa SSS. May iba’t ibang benepisyo pa ang maaari niyong makuha.
Kabilang na rito ang Sickness o benepisyo sa pagkakasakit, Maternity o benepisyo sa panganganak, Disability o benepisyo sa pagkabalda, Unemployment o benepisyo sa pagkahiwalay sa trabaho, Death o benepisyo sa pagkamatay at Funeral o benepisyo sa pagpapalibing. Ilan naman sa mga loan programs na maaaring ma-avail ng mga miyembo ay Salary, Calamity, Educational at Pension loan.
Bukod sa mga nabanggit na regular na Social Security (SS) benefits, may Employees’ Compensation (EC) benefits pang nakalaan para sa mga employed and self-employed member sakaling sila ay magkasakit, mabalda o mamatay habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho.
Ang SSS ay isang defined-benefit system. Ibig sabihin, ang halaga ng matatanggap na benepisyo ay batay sa halaga ng nabayarang kontribusyon at tagal ng paghuhulog sa SSS. Dito sa SSS, garantisadong may matatanggap na benepisyo mula sa kontribusyong pinag-ipunan.
Maliban sa SS at EC benefits, mayroon din Mandatory at Voluntary Retirement Savings Scheme ang SSS, ang MySSS Pension Booster. Magsisilbi itong karagdagang benepisyo kalakip ang monthly pension mula sa retirement benefit sa ilalim ng regular na SS program. Ligtas, abot kaya, at tax free ang savings scheme na ito. Kikita ng compounded interest ang mga kontribusyon dito dahil ang investment income na idinidistribute kada taon ay magiging bahagi na rin ng kabuuang naipon ng miyembro na kikita rin ng karampating interes. Sa katunayan, ang pondo ng voluntary MySSS Pension Booster noong 2023 ay umabot ng P386 milyon galing sa 38,000 miyembro na may return of investment (ROI) na 6.97 percent. Target ng SSS na tumaas sa 7.2 percent ang interest rate ngayong 2024. Samantala, ang pondo naman ng MySSS Pesnion Booster ay umabot na sa P80 bilyon mula sa 6 milyong miyembro na may ROI na 6.49 percent noong nakaraang taon. Para sa mga nais nang magenroll sa MySSS Pension Booster, mag-log in na sa My.SSS Portal.
Palagi naming pinapaalala sa mga miyembro lalo ang mga indibidwal na may sariling negosyo, o may pinagkakakitaan, mga dating empleyado sa private sector, Job Orders at Contract of Service Workers, mga manggagawang self-employed na kabilang sa informal sector, maging mga OFWs, huwag ninyong kakaligtaan magbayad ng inyong SSS contribution.
Para naman sa business at household employer, siguraduhing nakarehistro kayo sa SSS at bayaran ang kontribusyon ng inyong mga empleyado upang makatanggap sila ng SSS benefits sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Tandaan, sa bawat kontribusyon na inyong pinag-ipunan, may kapalit na benepisyo at pribilehiyo mula sa SSS.
Sa ngalan ng lahat na bumubuo ng Social Security System (SSS) na pinangungunahan ng aming Acting President at CEO Robert Joseph de Claro, nais naming batiin ang lahat ng Maligayang Pasko!
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.