Tuwing ikatlong linggo ng Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang National Disability Rights Week. Ngayong taon, ang tema ng programa ay “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access”.
Dito sa ating bansa, ay binibigyan talaga natin ng kahalagahan ang mga may kapansanan. May mga establishemento na sinadyang maging PWD-Friendly ang kanilang mga lagusan o maging palikuran. Malaking bagay rin ang ibinibigay sa kanilang mga diskwento sa groceries at iba pang produkto. May mga pribado at pampublikong ahensya rin ang kumukuha ng mga PWD para maging empleyado nila.
Pagdating sa social security benefits, isa ang benepisyo sa pagkabalda o Disability Benefit ang handog ng SSS sa mga miyembro nito. Ito ay cash benefit na ibinibigay sa mga miyembrong nakapagtamo ng partial (bahagya) o total disability.
May dalawang uri ang SSS Disability Benefits – ang Permanent Partial Disability at Permanent Total Disability.
Ang Permanent Partial Disability ay ang bahagya at permanenteng pagkawala ng kakayahang gamitin o lubusang pagkawala ng alinmang bahagi ng katawan. Kung ang miyembro ay nag-kwalipika na makatanggap ng permanent partial disability at ang pamamaraan ng pagbayad ay buwanang pensyon, makatatanggap siya ng nasabing benepisyo alinsunod sa sumusunod na schedule:
Complete and permanent loss of / use of | Number of Months |
One thumb / hinlalaki | 10 |
One index finger / hintuturo | 8 |
One middle finger / hinlalato | 6 |
One ring finger / palasingsingan | 5 |
One little finger / hinliliit | 3 |
One big toe / daliri sa paa | 6 |
One hand / kamay | 39 |
One arm / braso | 50 |
One foot / paa | 31 |
One leg / binti | 46 |
One ear / tainga | 10 |
Both ears | 20 |
Hearing of one ear / Pagkawala ng pandinig ng isang tainga | 10 |
Hearing of both ears / / Pagkawala ng pandinig ng dalawang tainga | 50 |
Sight of one eye / Pagkawala ng paningin ng isang mata |
Ang Permanent Total Disability naman ay ang itunuturing na ganap at permanenteng pagkabalda ng miyembro tulad ng ganap na pagkabulag ng dalawang mata , pagkaputol ng dalawang braso o dalawang binti , permanente at ganap na pagkaparalisa ng dalawang braso o dalawang binti, pakapinsala ng utak na naging sanhi ng pagkakasira ng isip.
Ang miyembrong nabalda (partially or totally), na may 1 buwang hulog na kontribusyon bago ang semestre ng pagkakabalda ay kwalipikado sa benepisyong ito. Kung 1 hanggang 35 months bago ang semestre ng pagkabalda, ito ay sa pasmamagitan ng lump sum pay. Kung may hindi bababa sa 36 na buwan ang hulog, ito ay sa pamamagitan ng buwanang pensyon.
Simula noong January 2023, ang Disability Benefit claim application (DCA) ay sa pamamagitan na ng online. Kailangang ang miyembro ay nakarehistro sa SSS Website para maisumite ang DCA sa My.SSS Service Portal. Dapat ay rehistrado rin ang bank/disbursement account ng miyembro sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module o DAEM o kaya naman ay naka-enroll bilang ATM card ang kanilang Unified Multi-Purpose Identification (UMID).
Para sa karagdagang detalye at impormasyon sa Disability Benefit, maaaring bisitahin ang Knowledge section ng uSSSap Tayo Portal, http://crms.sss.gov.ph.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.