Nais kong umpisahan ang aking kolum ngayong linggo upang ipaabot ang mainit na pagbati at pagsaludo sa SSS Agoo at SSS La Union Branch sa kanilang pagkakapanalo bilang mga Quality Workplace Achievers ng Social Security System ngayong 2019. Hinirang na Champion ang SSS Agoo sa ilalim ng Small Branch Category at kauna-unahang branch na napabilang sa Hall of Fame Awardees para sa naturang kategorya. Nanalo rin ang SSS La Union sa ilalim ng Medium Branch Category at ang SSS New Panaderos sa Mandaluyong City sa ilalim naman ng Large Branch Category. Muli, Congratulations sa inyong lahat!
====
Ngayon naman, sagutin natin ang e-mail queries mula sa ating mga tagasubaybay:
Hi SSS! Should I still apply for a UMID kahit soon mayroon na tayong National ID? Doble doble kasi ang mga IDs, if ever. Agyamanak apo! – Michelle Santi
Hi Michelle! Kailangan mo pa ring mag-apply para makakuha ng UMID kahit magkakaroon na tayo ng National ID. Ang UMID ay ekslusibo lamang sa mga miyembro ng SSS. Bukod pa riyan, may ATM features ang UMID kung saan dito i-credit ang lahat ng loans at benefit payments ng SSS members sa hinaharap. Ang National ID ay foundational ID o bilang pagkakilanlan sa bawat Pilipino#
Good day po. Matagal na po akong nag-text sa inyo sa radio program pero hindi nababasa ang tanong ko. Si Daddy ay turning 60 na po on December 25, 2019. Last update po namin sa SSS, he has 296 months contribution as of July 2019. Mag-terminal leave na rin po si Daddy sa first week ng December at mag-file ng retirement before the year ends. My question is pwede na bang magsubmit si Daddy ng kanyang retirement form as early as now para maaga n’ya makuha ang kanyang pensyon? And one more thing, may nakapagsabi sa Daddy na he can get his pension in advance? Sana po masagot ang email ko. Thank you – Flory from Camdas BC.
Good day din sa’yo Flory. Unang-una, sorry kung hindi namin nababasa ang lahat ng inyong text queries sa ating radio program. As much as we want to read all your text questions at sagutin on-air, limitado lamang ang ating oras. Anyway, sa iyong katanungan under SSS Retirement Benefit, maaari na syang mag-apply ng retirement benefit kung sumusunod sa mga kondisyon na ito: (1). Pagkatapos ng separation date mula sa employer kung ang edad ay 60 hanggang 64; (2) sa ika-60th birthday kung hiwalay na sa trabaho; (3). sa ika 65th birthday kahit na may trabaho pa; at (4) sa buwan bago ang semestre ng ika-120th na kontribusyon. Sa kaso ng iyong Daddy, maaari na siyang mag-file ng Retirement Benefit pagkatapos ng kanyang ika-60th birthday at kapag siya ay nag-retire na sa trabaho. Maaari na siyang mag-file simula December 25. Dahil Pasko at non-working holiday ito,maaari n’yang isumite ang kanyang application form sa SSS sa susunod na working day o di kaya ay sa petsang gusto niya. May option din siya na kunin ang kanyang first 18 months na pensyon kaya sa ika-19th month na tatanggap ng buwanang pensyon. Ngayon pa lamang ay mag-rehistro siya sa My.SSS portal na nasa website (www.sss.gov.ph) para makita nya ang kanyang rekord. Hingin niya lamang ang SS number ng kanyang employer. Sa My.SSS ay makikita ang personal records kaya kung may kailangang ayusin ay magagawa na ito para huwag maantala ang pagproseso ng retirement benefit. Sana ay nasagot ko ang iyong katanungan. Happy Retirement sa Daddy mo! Maraming Salamat! #
Dear Sir, may I know who are the dependent pensioners? And how much are they going to receive if ever? Salamat at mabuhay po kayo d’yan sa SSS! – Dess
Dear Dess, ang mga dependents ng mga retirado o namayapang miyembro ng SSS ay nahahati sa apat na kategorya. Sila ay ang mga sumusunod: (1) mga anak na 21 years old pababa at walang asawa o trabaho; (2). Legitimate, illegitimate, legitimated at legally adopted na mga anak na wala pang 21 anyos; (3). kung lagpas 21 years old at may congenital illness noong sila ay ipinanganak o di kaya ay permanently incapacitated at incapable of self-support–physically or mentally. Ang dependents pension ay katumbas ng 10% ng basic monthly pension ng retirado o namayapang miyembro ng SSS. #
====
Nais naming ipaalam sa aming mga pensioners na bukas pa rin ang SSS Pension Loan Program para sa inyong pangangailangang pinansyal. Mababa ang interes at maaring bayaran ng hanggang 2 taon ang pension loan. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga pensiyonado na nais mag-apply ng PLP na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.
====
Marami na po tayong followers sa ating mga programa sa radyo. Kaya sa mga nais madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa SSS, makinig po kayo sa “Usapang SSS” tuwing Martes, 10:30 a.m. sa DZWT 540 Khz, at tuwing Biyernes, 9:00 a.m. sa 98.7 Z-Radio.
====
Magpadala po kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph para sa inyong mga katanungan hinggil sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa aking mga susunod na column.