• Headlines
  • City/Region News
    • Covid-19 Advisory and Updates
    • Baguio City
    • CAR
    • Nation
  • Sectoral news
    • Elections
      • Elections – 2022
      • Elections – 2019
    • Agriculture, Fishery and Pets
    • Business and Livelihood
    • Education, Arts & Culture
    • Environment and Disaster Management
    • Science, Health, and Welfare
      • covid-19 advisory and updates
    • Tourism, travel and Events
    • Other Lifestyle
    • Police Beat
  • Opinion
    • Editorial
    • Columns
    • Timek Ti Umili
  • Sports
    • Sports (Home)
    • Sports (Special Feature)
  • Other sections
    • Features
    • Photos/Videos
      • Photos
      • Videos
    • Words for reflection
    • Sponsored articles
    • Jobs in Baguio
    • Elections
  • Ads & Notices
    • Obituaries
  • About Us
    • About Us
    • Directory
    • Contribute
    • Advertise
    • Cookie Policy
    • Contact Us
HERALD EXPRESS | News in Cordillera and Northern Luzon
ADVERTISEMENT
  • Headlines
  • City/Region News
    • Covid-19 Advisory and Updates
    • Baguio City
    • CAR
    • Nation
  • Sectoral news
    • Elections
      • Elections – 2022
      • Elections – 2019
    • Agriculture, Fishery and Pets
    • Business and Livelihood
    • Education, Arts & Culture
    • Environment and Disaster Management
    • Science, Health, and Welfare
      • covid-19 advisory and updates
    • Tourism, travel and Events
    • Other Lifestyle
    • Police Beat
  • Opinion
    • Editorial
    • Columns
    • Timek Ti Umili
  • Sports
    • Sports (Home)
    • Sports (Special Feature)
  • Other sections
    • Features
    • Photos/Videos
      • Photos
      • Videos
    • Words for reflection
    • Sponsored articles
    • Jobs in Baguio
    • Elections
  • Ads & Notices
    • Obituaries
  • About Us
    • About Us
    • Directory
    • Contribute
    • Advertise
    • Cookie Policy
    • Contact Us
No Result
View All Result
  • Headlines
  • City/Region News
    • Covid-19 Advisory and Updates
    • Baguio City
    • CAR
    • Nation
  • Sectoral news
    • Elections
      • Elections – 2022
      • Elections – 2019
    • Agriculture, Fishery and Pets
    • Business and Livelihood
    • Education, Arts & Culture
    • Environment and Disaster Management
    • Science, Health, and Welfare
      • covid-19 advisory and updates
    • Tourism, travel and Events
    • Other Lifestyle
    • Police Beat
  • Opinion
    • Editorial
    • Columns
    • Timek Ti Umili
  • Sports
    • Sports (Home)
    • Sports (Special Feature)
  • Other sections
    • Features
    • Photos/Videos
      • Photos
      • Videos
    • Words for reflection
    • Sponsored articles
    • Jobs in Baguio
    • Elections
  • Ads & Notices
    • Obituaries
  • About Us
    • About Us
    • Directory
    • Contribute
    • Advertise
    • Cookie Policy
    • Contact Us
No Result
View All Result
HERALD EXPRESS | News in Cordillera and Northern Luzon
No Result
View All Result
Home Columns

Espesyal na Pautang para sa SSS Pensioners

Herald Express News Team by Herald Express News Team
March 29, 2019
in Columns
Reading Time: 3 mins read
0 0
0
Bagong Pag-asang hatid ng Social Security Act of 2018
0
SHARES
1
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kusang lumapit ang grupo ng Senior Citizens sa Social Security System (SSS) upang ilahad ang kinakaharap nilang suliranin at malaman kung paano sila matutulungan ng SSS. Sa gitna ng huntahan at palitan ng kuro-kuro, naihayag ng mga Senior Citizens ang kanilang problema sa naglipanang “loan sharks”.

Hindi maikakaila na ilan sa ating mga lolo at lola ay nagkakaroon ng biglaang pangangailangang pinansyal. Sa ganitong mga pagkakataon, nagiging takbuhan nila ang private lending institutions na nagpapa-utang ng napakalaking halaga subalit binabawi naman sa napakalaking interes. Idagdag pa ang kanilang patakaran na kung saan kinukuha nila ang ATM card ng pensyonado bilang kolateral. Sa isang banda, hindi naman natin masisisi ang private lending institutions dahil kailangan nilang maniguro sa pagpapatakbo ng negosyo sa pamamagitan ng pagsunod sa itinakdang mga patakaran o tinatawag na internal guidelines.

Subalit, bilang isang ahensiya ng gobyerno na nagpoprotekta sa kapakanan ng mga pensyonado, minabuti ng SSS na maglunsad ng SSS Pension Loan Program na may mas mababang interes, mas maluwag na proseso ng aplikasyon, at hindi kinakailangan ng anumang kolateral.

RelatedPosts

Fats and cardiovascular health

Women: Sun and Moon of Life

Middle Name

Ang halaga na pwedeng mautang ng kwalipikadong pensyonado ay katumbas ng dalawang buwang pensyon hanggang anim na buwang pension basta’t ito ay hindi hihigit sa P32,000. Maari itong bayaran mula tatlo, anim o hanggang 12 buwan depende sa halaga ng utang at ibabawas ito sa kanilang buwanang pension. Sampung porsyento lang kada taon ang interest rate nito hanggang matapos itong bayaran at kasama na rin ito sa buwanang hulog ng utang.

Sisimulan ang pagbabayad sa pension loan sa ikalawang buwan mula nang matanggap ito. Halimbawa, kung natanggap nina lolo at lola ang inutang noong Enero, ibabawas ang unang hulog sa pensyon sa buwan ng Marso.

Tinanong ako ng nakilala kong lolo na SSS pensioner kung ano ang mangyayari sa kanyang inutang sakaling mamatay siya habang binabayaran ang loan. Interesado kasi si tatay na umutang sa SSS.

Ang maganda sa Pension Loan, may kaakibat na Credit Life Insurance ang SSS. Ibig sabihin nito, ang Credit Life Insurance na mismo ang magpapatuloy sa pagbabayad ng naiwang utang kung sakaling mamatay ang pensyonado.

Ipinaalala ko rin kay lolo na hindi kukunin ng SSS ang kanyang ATM card bilang kolateral dahil kahit may inutang siya at binabayaran niya ito buwan-buwan, may matatanggap pa rin siyang pensyon. Kung katumbas ng tatlong buwang pensyon ang kanyang inutang, higit 32 porsyento ng kabuuang buwanang pensyon ang maiuuwi ni lolo. Kapag anim na buwang pensyon naman ang kanyang inutang, higit 31 porsyento ng kabuuang buwanang pensyon ang matatanggap ni lolo. Samantala, halos kalahati ng buwanang pensyon ang maiuuwi ni lolo kung katumbas ng 12 buwang pension ang kanyang inutang. Sa madaling sabi, hindi sila mawawalan ng buwanang ayuda mula sa SSS habang nagbabayad pa sila ng utang.

Maaaring mag-apply sa PLP ang mga retiradong pensyonado na 80 anyos pababa sa huling buwan ng termino ng utang; walang utang at benefit overpayment na kailangang bayaran sa SSS; at walang paunang pensyon sa ilalim ng SSS Calamity Package.

Pwede rin mag-apply sa PLP ang retiree pensioners na isang buwan pa lamang nakakatanggap ng pensyon. Dapat lamang ay nakapost na ito sa system ng SSS.

Kung sakaling walang Unified Multipurpose Identification Card o UMID ang pensioner, maaari na rin niya iprisinta ang ibang Identification Cards (IDs) at opisyal na dokumento gaya ng Alien Certificate of Registration mula sa Bureau of Immigration; Driver’s License mula sa Land Transportation Office; Firearm Registration, License to Own and Process Firearms at Permit to Carry Firearms Outside of Residence mula sa Philippine National Police; NBI Clearance; Pasaporte; Postal ID; Seafarer’s ID o Seaman’s Book; at Voter’s ID Card.

ADVERTISEMENT

Sa mga SSS pensioners na nais mag-avail ng Pension Loan, bisitahin lamang ang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar.

===

Nakarating sa kaalaman ng SSS na may mga indibidwal o grupo na nag-aalok na palitan ang inyong SSS Pension Loan ng “instant cash” pero may bawas na malaki at kailangan pa i-surrender ang inyong “Cash Card”. Huwag po kayo kumagat sa bagong modus ng fixers. Kagaya ng nabanggit ko, limang araw lang ang processing ng SSS Pension Loan at siguradong buo niyong matatanggap ang inutang niyo sa SSS. Kung may alam kayong mga indibidwal o grupo na sa tingin ninyo ay nananamantala sa ating mga SSS pensioners, i-report agad ito sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar.

Inilunsad ang programang ito para makinabang ang mga pensyonado at hindi ang mga mapagsamantalang fixers na nasisikmurang manloko ng mga matatanda kapalit ng malaking halaga. Sana naman ay maghanap kayo ng marangal na trabaho at hayaan niyo ang mga pensyonado na mapakinabangan nang husto ang benepisyong nararapat sa kanila.

====

Nais naming ipaalam sa aming mga miyembro na ang Loan Restructuring Program ay bukas hanggang ika-1 ng Abril 2019. Sa LRP, pinagaan ang pagbabayad ng mga loan balance ng aming mga miyembro. Inaanyayahan namin ang aming mga pensiyonado o miyembro na nais mag-avail ng alinman sa dalawang programang ito, na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.

====

Para sa anumang suhestiyon, opinyon at iba pang katanungan tungkol sa inyong SSS membership, ipadala lamang sa aking e-mail address sa rillortac@sss.gov.ph at susubukan nating pag-usapan yan sa ating susunod na column.

ShareTweetSend
ADVERTISEMENT
Previous Post

Sonny Mangaoang: Kalinga’s voice in congress

Next Post

City starting no touch ground policy in waste disposal site

Herald Express News Team

Herald Express News Team

Related Posts

Fiber and Your Health

Fats and cardiovascular health

by Imelda Degay
March 24, 2023
0

Fats are part of the diet. It may provide 25-35% of daily calories.  Gone are those days when “fats” from...

CAR Experts Triangulate Highlands Growth Snags

Women: Sun and Moon of Life

by Bony A. Bengwayan
March 23, 2023
0

Daily Laborer pays profound tribute to the women during this celebration of Women’s Month for their significant and continuous contribution...

The Flag

Middle Name

by Atty. Erik Donn Ignacio
March 22, 2023
0

Our names make it easy for people to identify us. Other than just for identification, it served to identify our...

Next Post
Baguio gains headway in search for solutions to solid waste problem

City starting no touch ground policy in waste disposal site

MP Provincial Employees Union organized

Fate of Cordillera in House version of charter change doubted

RDC, RPOC okays 32nd Cordillera month allocation

ADVERTISEMENT

Recent News

City alarmed on increase in child abuse cases

45 child abuses cases in Baguio reported

March 24, 2023
Fiber and Your Health

Fats and cardiovascular health

March 24, 2023
Sustainable living for everyone

SM Cares brings The Blackout Zone to SM City Clark

March 24, 2023

Technically speaking, trend is your friend

March 24, 2023
ADVERTISEMENT
HERALD EXPRESS | News in Cordillera and Northern Luzon

Herald Express is a news organization based in Baguio City that has a weekly publication and an online news portal. The newspaper is circulated in the different provinces of Northern Luzon. The name of the fastest-growing publication in town is coined from the word ‘quick messenger’ which is self-explanatory.

Follow Us

Search

No Result
View All Result
  • Headlines
  • City/Region News
  • Sectoral news
  • Opinion
  • Sports
  • Other sections
  • Ads & Notices
  • About Us

© 2022 Baguio Herald Express - Website Design by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • Headlines
  • City/Region News
    • Covid-19 Advisory and Updates
    • Baguio City
    • CAR
    • Nation
  • Sectoral news
    • Elections
      • Elections – 2022
      • Elections – 2019
    • Agriculture, Fishery and Pets
    • Business and Livelihood
    • Education, Arts & Culture
    • Environment and Disaster Management
    • Science, Health, and Welfare
      • covid-19 advisory and updates
    • Tourism, travel and Events
    • Other Lifestyle
    • Police Beat
  • Opinion
    • Editorial
    • Columns
    • Timek Ti Umili
  • Sports
    • Sports (Home)
    • Sports (Special Feature)
  • Other sections
    • Features
    • Photos/Videos
      • Photos
      • Videos
    • Words for reflection
    • Sponsored articles
    • Jobs in Baguio
    • Elections
  • Ads & Notices
    • Obituaries
  • About Us
    • About Us
    • Directory
    • Contribute
    • Advertise
    • Cookie Policy
    • Contact Us

© 2022 Baguio Herald Express - Website Design by Neitiviti Studios.

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
Cookie SettingsAccept All
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT

Add New Playlist