Matatandaang inanunsyo ng SSS nitong Marso ang pagbibigay ng palugit sa pagbabayad ng kontribusyon hanggang June 1 dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon. Subalit, nahirapang magbayad ang ating mga miyembro dahil karamihan sa mga bangko at iba pang payment channels ay pansamantalang nagsara din bunsod ng pinalawig na ECQ. Samantala, ang ilang employers naman ay kasalukuyan pang nangangalap ng pondo para sa pagbabalik operasyon ng kanilang negosyo at kasama rito ang pagsunod sa mga precautionary measures, pati na rin ang pagpapasuweldo at pagbibigay ng benepisyo ng kanilang empleyado. Batid natin na malaking hamon sa mga employers ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga negosyo, gayundin ang kawalan ng kita nitong nakaraang dalawang buwan. Dahil maraming lungsod at probinsya ang naka-General Community Quarantine (GCQ),dapat lamang na bigyan sila ng konsiderasyon lalo na sa pamamagitan ng pagbibigay ng palugit sa pagbabayad ng kanilang mga kontribusyon hanggang June 15, 2020.
Sakop ng nasabing palugit ang mga Self-Employed, Voluntary, at Non-Working Spouse members na magbabayad para sa applicable months ng January, February, at March 2020. Maging ang mga Household Employers na magbabayad din ng kontribusyon ng kanilang mga kasambahay para sa buwan ng January, February, at March ay hanggang June 15, 2020 na rin ang deadline.
Samantala, hanggang June 15, 2020 rin maaaring magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado para sa buwan ng February, March, at April 2020 ang mga regular employers.
May mga alternatibong paraan din para magbayad ng kontribusyon. Maaari na silang magbayad sa pamamagitan ng Moneygment sa My.SSS web portal sa SSS website, sa PayMaya gamit ang SSS Mobile App, Bayad Center Mobile App, o sa pamamagitan ng online banking facility ng Security Bank para sa mga may account doon.
Ang mga regular employers naman ay maaaring magbayad sa pamamagitan ng bank web facilities tulad ng Bank of the Philippine Islands – Bizlink, Security Bank Corporation Digibanker, at Union Bank of the Philippines, o sa pamamagitan ng eGov BancNet online. Sa mga household employers, maaari silang magbayad sa pamamagitan ng Security Bank Corporation Digibanker.
###
Mula sa ating inbox:
Hindi po maipaliwanag ng mabuti ng aking pinsan kung bakit na-deny ang kanyang Maternity Benefit claim sa SSS. Nanganak siya noong March 17, 2020 at humintong maghulog noong August 2017. Nagbayad naman siya muli noong December, January at February 2017. Hindi ba tatlong buwan lang naman ang kailangan para makatanggap ng Maternity Benefit? Pakitulungan ninyo akong maiintindihan ito. – Lerma
Mabuting araw, Lerma! Sa ilalim ng Maternity Benefit sa SSS, dapat ay may hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon ang naihulog ng miyembro sa loob ng 12 buwan bago ang semestre ng panganganak.
Sa kaso ng inyong pinsan na nanganak noong March, ang semestre ng kanyang panganganak ay mula October 2019 hanggang March 2020. Ang 12-month period bago ang semestre ng kanyang panganganak ay October 2018 hanggang September 2019. Ibig sabihin, sa panahon ng October 2018 hanggang September 2019), dapat ay nakapagbayad ang pinsan mo ng kahit tatlong buwan para siya ay makakuha ng Maternity Benefit mula sa SSS. Batay sa iyong salaysay, hindi na siya nakapaghulog sa SSS simula 2018 hanggang 2019.
Good day SSS! I am a survivor pensioner. My husband died last November 2019. Just to clarify about ACOP. My ACOP schedule is based on my birth month or my husband’s? Thanks! – Melissa
Hi Melissa! The Annual Confirmation of Pensioners or ACOP follows the birthday/birth month of the deceased SSS member.
Hello, SSS. Tanong ko lang, nitong nakaraang quarantine hindi po ako nakabukas ng ukayan ko mag-2 months na. Hindi na rin pumasok ang mga empleyado ko kaya wala rin sila sweldo. Dapat po bang bayaran ko pa rin ang SSS nila? Regular po akong naghuhulog ng SSS nila, ngayon naman ay wala akong kita. Salamat po – Roger
Mabuting Araw Sir Roger! Kung hindi kayo nagbukas ng inyong negosyo ngayong quarantine period at ang resulta nito’y pagka-antala ng trabaho ng inyong mga empleyado at hindi pagpapasuweldo sa kanila, hindi ninyo kailangang bayaran ang kanilang SSS contributions sa mga buwang hindi kayo nag-operate at hindi sila nakapagtrabaho. Wala kasi kayong magiging basehan ng inyong computation para bayaran sila ng contributions. Para maiwasan naman na kayo ay mapatawan ng multa, magsadya lamang sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar at mag-fill-out ng R-8 (Employer’s Data Change Request) upang ideklara na wala kayong kinita sa mga panahong nabanggit. Maglakip din ng affidavit kung saan nakasaad ang dahilan ng pagsasara ng inyong negosyo bunsod ng COVID-19 crisis.
###
Marami ang nagtatanong sa mga telephone numbers ng SSS branches sa Northern Luzon. Para sa inyong kaalaman, narito ang listahan ng telephone numbers: SSS Baguio (074) 619-0848/ 444-2929, SSS La Trinidad (074) 422-4699/ 422-0286, SSS Laoag (077) 770-3113, SSS Vigan (077) 722-2686, SSS Candon (077) 604-0344, SSS San Fernando La Union (072) 242-5813, SSS Bangued (074) 752-8170, at SSS Bontoc (074) 633-0007.
Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph.
You might also like:



