Nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020, pinaigting ng SSS ang digitalization nito. Kaya’t pinaigting rin nito ang iba’t-ibang online facilities gamit ang My.SSS portal na matatagpuan sa SSS website at SSS Mobile App.
Kaya hinihikayat ang mga miyembro, employer gayundin ang mga pensyonado na magrehistro at gumawa ng kanilang personal na account sa My.SSS para sa mas mabilis at mas ligtas na paraan ng pakikipagtransaksyon sa SSS.
Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa aming website at i-click mo ang “MEMBER.” Dadalhin ka nito sa member login portal at i-click mo ang “Not yet registered in My.SSS?” upang masimulan ang iyong pagrerehistro dito. Punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang dapat ilagay mong e-mail address ay aktibo at nagagamit mo pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para naman i-activate at magamit mo ang iyong account.
Isa sa mga transaksyon na maaari mong gawin gamit ang My.SSS ay ang pag-verify ng iyong mga contributions o mga hulog sa SSS. Gamit ang nasabing platform ay maaari mong makita kung updated ba o posted na ang mga ito sa iyong SSS records. Dagdag pa nito, ang mga naibayad na monthly amortization sa kanilang salary o calamity loans ay maaari din nilang makita rito.
Kung ikaw ay mayroon ng My.SSS account, i-click mo ang “Member.” Mag-login ka gamit ang iyong user ID at password. Sunod, i-click mo ang “I’m not a robot” at i-click mo ang “Submit.” Makikita mo ang mga tab ng “HOME,” “MEMBER INFO,” “INQUIRY,” E-SERVICES,” at “PAYMENT REFERENCE NUMBER (PRN).” Para i-verify ang iyong contribution record, i-click mo ang “INQUIRY” tab. May dalawa kang pagpipilian dito: “Benefits” at “Contributions.” i-click mo ang “Contributions”.
Hinihikayat rin namin at ang iba pang miyembro, employer at pensyonado na protektahan ang inyong login credentials sa My.SSS gayundin ang iba pang mga personal na impormasyon gaya ng inyong SS number. Ito ay upang maiwasan na hindi magamit ang inyong account sa mga fraudulent transactions.
Samantala, isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga fraudulent transactions ay ang pagbibigay alam sa iba ng login credentials gaya ng username at password sa mga taong hindi kilala o kamag-anak.
Dapat ingatan at panatilihin ninyong confidential ang inyong login details upang maprotektahan ang inyong mga sarili mula sa mga ganitong online scammers at hackers. Isa rin itong proteksyon upang hindi magamit ang iyong My.SSS account sa mga masasamang gawain ng mga taong ito tulad ng pagkuha ng iyong benepisyo at loans sa iyong disbursement account na kasalukuyang enrolled sa SSS.
Anumang pakikipag-ugnayan at pakikipagtransakyon sa mga fixers o unathorized individuals ay may kaukulang kaparusahan, multa at pagkakulong na sakop ng umiiral na batas sa ating bansa.
Nais naming ipaalam sa aming mga pensyonado na maaari silang mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagrereport ng mga pensyonado sa SSS hanggang Marso 31, 2023 para sa calendar year 2021.
Samantala, ang mga pensyonado na dapat tumugon sa ACOP ay mga retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioner, survivor pensioner (death), at dependent (minor/incapacitated) pensioner sa ilalim ng guardianship. Kung kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ang isang retirement pensioner, sila naman ay exempted sa ACOP compliance.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System – SSS” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.” Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.
Makinig sa ating lingguhang programa ang “Usapang SSS” tuwing Lunes, 10:30AM-11:30AM sa DZWT 540 kHz. Mapapanood rin ito sa live FB stream ng “MPBC DZWT Kumpletos Rekados.