Habang patuloy na tumatanggap ang SSS ng salary at calamity loan applications online ay dumarami rin ang natatanggap naming katanungan hinggil sa pagkakaantala ng kanilang mga aplikasyon higit lalo ang pagtanggap ng kanilang loan. Ngayong linggo ay sasagutin naman natin ang ilan sa mga katanungan ng ating miyembrong tumatangkilik sa ating kolum.
Hello SSS, maaari bang pagsabayin ang Salary at Calamity Loan application? – Kathy
Batay sa inilabas na probisyon noong June 15 hinggil sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP), dapat ay walang outstanding salary loan balance ang miyembro bago mag-avail ng Calamity Loan. Kung mayroong Salary Loan, kinakailangang aktibo niya itong binabayaran. Kung nais niyang mag-apply ng Salary at Calamity Loans, mas makabubuting unahin muna ang approval ng Salary Loan bago mag-apply ng Calamity Loan.
Nagpunta ako sa SSS branch upang mag-apply ng Salary Loan pero hindi tinanggap ang aking loan application kasi dapat thru online na gamit ang sa computer na daw ako mag-apply. Totoo ba ito at ano ang gagawin ko? – Meldy
Patuloy na isinasagawa ang digitalization efforts ng SSS para sa mas mabilis at simpleng paraan ng pagsusumite ng Salary Loan at Calamity Loan application online. Subalit, para magamit ang online services ng SSS, kailangang may sariling account ang miyembro sa My.SSS. Kung wala pang My.SSS account, magtungo sa www.sss.gov.ph at piliin ang “MEMBER”. Sundin lamang ang instructions at ibigay ang mga hinihinging impormasyon. Mahalagang may aktibong e-mail address ang miyembro dahil dito ipapadala ang confirmation link ng kanyang account application. Kapag may sariling My.SSS account na ang miyembro, maaari na siyang magpasa ng kanyang loan application, unemployment benefit application kabilang na rin ang sickness at maternity notifications, at gayundin ang retirement claim; manghingi ng kopya ng kanyang SSS records; mag-request ng appointment schedule sa SSS; at kumuha ng kanyang Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng kontribusyon sa SSS.
Ano ang gagawin ko kasi ‘yung card number pala ang nailagay ko sa aking loan application instead of my account number? – Amber
Amber, kapag nag-apply ng loan, makakatanggap ka ng SMS o text mula sa SSS upang ipaalam na successful o unsuccessful ang iyong aplikasyon. Isa sa mga dahilan kung bakit unsuccessful ang loan application ay mali ang nailagay na account number o ang bank account number o kaya’y sarado na ang bank account. Kapag nakatanggap ng notice ang miyembro na unsuccessful ang kanilang aplikasyon, kailangang i-encode muli ang tamang bank details sa pamamagitan ng Bank Enrollment Module ng inyong My.SSS account. Awtomatikong ikinakansela naman ng system ang loan application ng miyembro matapos makatanggap ng report ng unsuccessful crediting mula sa bangko. Matapos ikansela ang naunang loan application, maaari na muling mag-apply ang miyembro gamit ang kanilang My.SSS account.
Kaya’t patuloy ang ating paalala sa mga miyembro na siguraduhing tama ang mga detalyeng kanilang ilalagay upang hindi maantala ang pagpo-proseso ng kanilang mga loan applications. Tandaan na BANK ACCOUNT NUMBER ang dapat i-encode at hindi card number ng inyong bank account.
Kailangan pa ba ng employer’s certification kapag nag-apply ako ng Calamity Loan? – Sam
Hindi katulad sa Salary Loan application, hindi na kailangan pa ng employer’s certification sa pagpa-file ng Calamity Loan Assistance Program.
See other columns:





May tseke ba na darating o ipapasok sa ATM ang aking calamity loan? Sabi kasi ng kapatid ko ay sa ATM, pero ‘yung officemate ko naka-tseke nang dumating ang kanyang loan.– Gerard
Simula noong June 28, 2020, ipinatupad na ng SSS ang checkless disbursement para sa Calamity Loan. Ibig sabihin nito, matatanggap ng miyembro ang calamity loan sa pamamagitan ng kanyang ATM Card o bank account. Subalit, kung nag-apply ng Calamity Loan ang miyembro bago ang June 28, 2020, matatanggap pa rin niya ito pamamagitan ng tseke.
===
Mahalagang paalala: ang Calamity Loan Assistance Program ay hanggang September 14, 2020 lamang samantalang ang Salary Loan ay wala namang deadline ng application.
===
Kung may paksa o mga katanungan tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph.
Mababawas po ba ang salary loan pagnagcalamityloan po ako