Dear SSS, isa po akong OFW dito sa Germany. Regular kong nababayaran ang aking SSS contribution. Pero next year, plano ko na pong bumalik ng Pilipinas para magnegosyo na lang. Maapektuhan po ba ang aking mga naihulog na kontribusyon noong ako ay OFW member? Kailangan ko bang maging Self-Employed pagdating ko rito sa Pilipinas? Salamat po sa inyong magiging sagot – Elma, Baguio City
Mabuting araw, Elma! Ang pagiging SSS member mo ay hindi magtatapos kapag umuwi ka na rito sa Pilipinas. Kahit nakauwi ka na rito at may sarili ka nang negosyo, hindi naman mawawala ang mga inihulog mong kontribusyon bilang isang OFW member. Ang kailangan mo lang gawin ay palitan ang iyong membership type- mula OFW ay gagawin mo na itong self-employed. Para lumipat sa self-employed category, kailangan mong mag fill out ng SSS E4 Form o Member Data Change Request (MDCR).
Sa E4 o MDCR form:
Punan ang Part I.A. Personal Data
Punan ang Part I.B. Data Change / Correction / Updating
I-tick ang Change of Membership Type na box
I-tick ang box na “FROM” Overseas Filipino Worker
I-tick ang box na “TO” Self-Employed at isulat ang propesyon, taon nagsimula, at buwanang kita na magiging basehan ng buwanang kontribusyon sa SSS
Mapa-OFW member ka man o self-employed member ay parehong makakatanggap ng mga SSS benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral and death at loan privileges tulad ng salary, calamity at pension loan kung nagretiro na. Maaari ring makatanggap ng Employees’ Compensation (EC) benefits kung work-related ang pagkakasakit, pagkabalda o pagkamatay ng isang self-employed member.
Dear SSS, 3 years na ako dito sa Spain. Gusto kong magbayad ng SSS contribution. Saan ako pwede magbayad dito? Thank you – Suzette, Bangued
Dear Suzette, para sa mga land-based OFWs, maaari kayong magbayad sa SSS partner banks na nasa abroad tulad ng Asia United Bank, Bank of Commerce at Philippine National Bank. Pwede rin sa mga non-bank collecting partners tulad ng i-Remit, Inc., Pinoy Express Hatid Padala Service, Inc., at Ventaja International Corporation.
Sa SSS website, maaaring magbayad sa Altpaynet. At kung sa SSS mobile app, pwede naman sa Maya, Gcash, BPI at debit or credit card.
Kung sa mobile app nais magbayad, maaaring gamitin ang facilities ng AltPayNet, Bayad, GCash, iRemitX, Maya, Robinsons Bank, Security Bank SBOL, ShopeePay at Union Bank.
Palagi ko rin itong pinapayo sa OFWs na makisuyo sa inyong pinagkakatiwalaang mga kamag-anak dito sa Pilipinas na bayaran ang inyong SSS contribution sa SSS branches o SSS accredited collecting partners na narito sa bansa. Subalit, ugaliin na i-check ang inyong contribution records sa My.SSS Portal upang makasiguro kayong nababayaran nila sa takdang panahon ang inyong SSS contribution.
Bilang OFW member sa SSS ay may nakatakda ring minimum contribution. Sa taong ito, ang minimum kontribusyon ay P1,120 samantalang ang maximum contribution ay P4,200. Sa P4,200 na kontribusyon, P2,800 ay mapupunta sa Regular Social Security (SS) contribution at ang sobrang P1,400 ay mapupunta sa Workers Investment and Saving Program. Kapag self-employed ka naman, nakadepende sa idineklara mong monthly earnings ang iyong buwanang kontribusyon.
Plano ng asawa kong Hapon na dito na ako sa bansa nila magretire. Paano kaya ang aking SSS pension kung dito ko nga pinili mag-retire? Matatanggap ko pa rin ba ang aking SSS retirement benefit? – Sam, Baguio City
Magandang balita ang hatid ko sa iyo Ms. Sam dahil mayroon tayong Bilateral Social Security Agreement sa Japan. Ito ay naglalaman ng salient features na equality of treatment, export of benefits, totalization of insurance periods at mutual administrative assistance na beneficial sa mga covered members ng Pilipinas at Japan. Sa ilalim ng export of benefits ay pinapayagan na ang isang covered member na patuloy na tumanggap ng kanyang benefits saan man niya nais na manirahan (pwedeng sa Pilipinas o sa Japan o kahit sa alin mang bansa). Kaya huwag kang mag-alala Sam dahil maari kang tumanggap ng SSS pension mo kahit nasa bansang Japan ka na.
Inaanyayahan namin ang lahat na na panoorin ang Facebook live discussion ng SSS, ang “USSSap Tayo” tuwing Huwbes, mula 10:00 hanggang 11:00 ng umaga sa Official Facebook Page ng SSS, ang “Philippine Social Security System-SSS.”