Bilang isang ahensiya ng gobyernong nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo gaya ng mga benepisyo at pagpapautang, maraming miyembro at pensionado ang lumalapit sa SSS para makakuha ng impormasyon.
Subalit, maraming indibidwal o grupo ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa SSS na siyang dahilan ng pagkabahala ng ilan sa ating mga miyembro at pensionado. May ilan pa ngang nagpapakilalang empleyado ng SSS at nagaalok ng serbisyo na may kapalit na service fee.
Kaya naman para hindi mabiktima ng fake news ang ating SSS members at pensioners, narito ang iba’t ibang paraan para makakuha ng mabilis at tamang impormasyon tungkol sa SSS.
Una, bisitahin ang SSS Website www.sss.gov.ph. Makikita doon ang lahat ng mahahalgang impormasyon tungkol sa SSS, partikular na sa membership coverage, benepisyo at loan at ipa pang mga programa at serbisyo ng SSS. Sa SSS Website, maaari nang gumawa ng My.SSS account o mag login sa kanilang account, magdownload ng SSS Mobile App, magapply ng SS Number online, iaccess ang pension calculator upang malaman ang estimated na halaga ng inyong matatanggap na pensyon, at makita ang branch directory upang malaman ang address at contact information ng SSS branch nan ais bisitahin. Siguradong marami na kayong makukuhang mahahalagang impormasyon kung SSS Website pa lamang ang inyong bibisitahin.
Tulad ng nabanggit ko kanina, maaari ring maaccess ang My.SSS Portal para makapagtransact online nang hindi na kinakailangang bumisita sa SSS branch. Pwede nang magpasa ng benefit o loan application, irehistro ang disbursement account, icheck ang contribution at loan records, mag-generate ng Payment Reference Number (PRN) at marami pang iba.
Bukod rito, maaaring i-download ang MySSS Mobile App. Makakakuha rito ng mga updated at real-time information. Kung nais gumamit ng e-mail, maaaring magpadala sa pamamagitan ng usssaptayo@sss.gov.ph – ang opisyal na e-mail ng SSS.
May mga branches din na may Self-Service Express Terminal kung saan kinakailangan lamang na ilagay ang ng miyembro ang kaniyang Social Security (SS) number at tiyak na lalabas na sa screen ang kaniyang SSS records.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH.
May mga verified badge ang Facebook, Instagram, YouTube, at Viber accounts ang SSS. Lahat ng opisyal na social media accounts ng SSS ay may handle na @MYSSSPH.
Panghuli, kung nais namang may makakausap ang miyembro o employer, maaari niyang i-dial ang SSS trunkline sa numerong 1455.
Dito naman sa lungsod ng Baguio, ang SSS Baguio branch ay makikita sa Harrison Rd., Baguio City at maaaring tawagan sa numerong (074) 444-2929.
Nais ng ahensiya na ipakita sa mga miyembro at employers na madali lamang ang makipag-ugnayan sa SSS. Maraming paraan para makatanggap ng serbisyo. Tandaan, laging bukas ang pintuan at linya ng komunikasyon para sa lahat.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.