Mabuting balita para sa SSS members! Simula noong May 16, 2022, maaari na ulit mag-update ng member contact information online gamit ang My.SSS account. Hindi na kailangan pang magsadya sa SSS branch para isagawa ang transaksyon na ito.
Mag log-in lamang sa My.SSS Portal, piliin ang “Member Info” menu at i-click ang “Update Contact Info”. Dito ay maaari nang mag-update o magpalit ng telephone number, mobile number, mailing address, foreign address at e-mail address. May ipapadala ang SSS na notification sa e-mail at mobile number ng miyembro. Kailangang kumpirmahin ito ng miyembro sa pamamagitan ng pag-click sa link na nakapaloob sa notification.
May tatlong araw lamang ang mga miyembro para gawin ang kumpirmasyon dahil otomatikong mawawalan ng bisa ang link pagkatapos ng nasabing bilang ng araw. Kung lumipas na ng tatlong araw at hindi nagawa ang kumpirmasyon, kailangang ulitin ng miyembro ang proseso. Matapos kumpirmahin ang request, makikita na ang inupdate na contact information sa system makalipas ng dalawang araw at ipagbibigay alam ito sa miyembro.
Kung wala pang ni isang contact information ng miyembro ang nasa database ng SSS, doon pa lang kailangang magsadya sa pinakamalapit na SSS branch para isumite ang kanilang impormasyon sa pamamagitan ng Member Data Change Request o SSS E4 form.
Bakit mahalaga ang mag-update ng contact information sa SSS?
Lahat ng SSS updates at notification ay ipinadadala ng aming ahensya sa pamamagitan ng text o email. Ang mga miyembrong magpa-file ng anumang benefit applications (maliban sa death benefit), maging ang ilan sa loan applications ay ipinapasa online sa My.SSS portal. Bahagi ng security features ng My.SSS account ang pagpapadala ng notification links o confirmation messages sa text at e-mail na ibinigay ng miyembro. Kaya ganito na lamang kahalaga ang pagbibigay ng bawat miyembro ng updated na impormasyon sa SSS dahil dito rin nakasalalay ang pagtanggap nila ng lehitimong updates at iba pang impormasyon mula sa aming tanggapan.
Habang nais ng pamunuan ng SSS na maging maginhawa at mabilis ang online transaction ng bawat miyembro, sisiguraduhin din namin na ligtas ang magsagawa ng transaksyon sa My.SSS sa pamamagitan ng pinaigting na seguridad.
===
Maliban sa pag-uupdate ng contact information, maaari na ring magrequest ang miyembro ng simple corrections sa pangalan, sex o gender at civil status online gamit ang My.SSS Account.
Sa ilalim ng “E-Services” tab, piliin ang “Membership Records” at i-click ang “Submit Request for Member Data Change”. Piliin ang anumang data na nais palitan o baguhin.
Pasok sa kategoryang simple corrections ang mga sumusunod: ay (1) pagpapalit ng membership status (mula temporary to permanent); (2) pagpapalit ng letrang “i” to “e” o vice versa, mula “u” to “o” o vice versa, pagtatama ng isa o dalawang letra, at pagdagdag o pagbabawas ng espasyo o special characters; (3) pagtatama ng suffix tulad ng Jr., II at III o prefix tulad ng “Ma.” to “Maria” o “Maria” to “Ma.”; (4) pagtatama ng panglan dahil sa pagbabago ng civil status, (5) pag-eencode ng middle name para makumpleto ang unang naka-encode na middle initial sa database (e.g. “C” to “Cruz”).
Para sa mga paga-update o pagtatama ng mga impormasyong ito, kinakailangang mag-upload ng supporting documents tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate o valid ID o dukomentong nakasalin sa wikang English kung ito ay nagmula sa mga foreign government agencies.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.