Ngiti at saya ang hatid ng mga kapulisan ng 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa mga kabataan ng sila ay magsagawa ng isang feeding program sa Brgy. Buluan sa bayan ng Conner sa Apayao.
Ayon sa 2nd Apayao PMFC, ang nasabing feeding program ay kanilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2022 na may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan Ng Bawat Bata Ating Tutukan!”.
Dagdag pa ng 2nd Apayao PMFC, ang aktibidad ay pinangunahan ng mga pulis na nagdiriwang ng kanilang birthday ngayong buwan. Nasa 24 na mga kabataan naman ang lumahok sa nasabing aktibidad na ginanap sa Turayok Elementary School.
Bukod pa dito ay nagsagawa din ng Information Drive ang kapulisan patungkol sa mga karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa ilalim ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at ilang mga probisyon ng RA 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013”.