Ang pagsusumite ng Retirement Benefit application online ay isa sa Frequently Asked Questions ng mga miyembro, lalong lalo na ng mga malapit nang magretiro.
Ngunit bago natin ito pagusapan, mas makabubuting malaman muna ng mga miyembro ang mga sumusunod na requirements upang makakuha ng benepisyong ito.
Dapat ay nasa 60 years old ang miyembro at huminto na sa pagta-trabaho o sa pagiging self-employed. Maliban na lamang kung ang miyembro ay isang underground mine worker na kung saan ang age requirement ay nasa 55 years old, samantalang 50 years old naman kung isang underground o surface mineworker.
Qualified din ang miyembrong nasa technical retirement age na 65 years old, maliban na lamang kung isa siyang underground mineworker o surface mineworker na 65 years old man lang. Kung racehorse jockey naman, dapat ay nasa 55 years old ang miyembro.
Para mag-qualify sa retirement pension, dapat ay mayroong 120 monthly contributions ang miyembro bago ang semestre ng kanyang pagreretiro. Hindi naman kinakailangang sunod-sunod ang hulog, basta’t makumpleto ang 120 months ay kwalipikadong makatanggap ng monthly pension.
Kung umabot na sa edad na 60 o 65 taon ngunit hindi pa rin kumpleto ang 120 months, maaari namang ipagpatuloy ng miyembro ang paghuhulog ng kontribusyon para makumpleto ang contribution requirement. Kung planong magtaas ng Monthly Salary Credit, tandaan na maaari na lamang magtaas ng isang Monthly salary Credit (MSC) bracket kada taon ang isang miyembrong nasa 55 taong gulang pataas.
Kung hindi naman aabot sa 120 months ang hulog ng aplikante at hindi na niya kayang ipagpapatuloy ang paghuhulog ng kontribusyon ,otomatikong lumpsum na lang ang makukuha niyang Retirement Benefit.
Ipagpalagay nating kwalipikado ang miyembro sa SSS Retirement Benefit, narito ang mga sumusunod na hakbang para makapagsumite ng aplikasyon online.
Una, kailangang may My.SSS account ang miyembro at may aprubado na ring disbursement account sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM). Kung mayroon na ng mga nabanggit, maglog-in sa My.SSS Portal at i-tick ang “Benefits” mula sa dashboard. Piliin ang “Apply for Retirement Benefit” at sundan lamang ang mga hinihinging detalye hanggang sa maisubmit ang aplikasyon.
Kung sakaling hindi masundan ang online application o walang access sa internet, maaaring humingi ng tulong sa anumang pinakamalapit na SSS branch. May E-Centers ang branches na kung saan sila ng empleyado ng SSS.
Ang halaga ng pensyon ay nakadepende sa halaga ng hulog at kung gaano katagal naghulog ng kontribusyon. Ang mga miyembrong naghulog ng mas mataas at mas matagal ay makatatanggap ng mas mataas na pensyon kumpara sa mga naghulog ng mas mababa at mas maigsing panahaon. Sa pinakahuling data ng SSS noong December 2024, ang pinakamataas o maximum retirement pension na natatanggap ngayon ay P21,699 kada buwan. Samantala, ang pinakamababa o minimum pension ay P2,200 kada buwan. Ang pension ay matatanggap sa bank account na inenrol sa Disbursement Account Enrollment Module.
Samantala, kung ang aplikante ay may dependent children na edad 21 anyos pababa; mga minero at hinete at mga self-employed na edad 65 pababa; at may balanse pa sa ilalim ng SSS loan programs gaya ng Stock Investment Loan, Privatization Loan Program, Educational Loan, at Vocational Technology Loan, ipasa ang kanilang Retirement Benefit Application sa alinmang sangay ng SSS branches. Ang SSSS Retirement Benefit Online Application ay nakapaloob sa Circular No. 2021-021. Maaari itong hanapin sa aming website para sa karagdagang impormasyon ukol dito.
Mahigpit na paalala sa ating mga miyembro: Huwag pong hihingi ng tulong sa hindi kakilala pagdating sa online application sa SSS. Huwag din magbibigay kaagad ng personal na impormasyon sa mga taong tatawag sa inyo at magpapakilalang empleyado ng SSS. Mas pinaigting naming ngayon ang kampanya laban sa mga mapagsamantalang scammers upang hindi kayo maloko at magkaproblema. Tandaan na ang mga serbisyo ng SSS ay libre at ang mga opisyal na transaksyon ay ginagawa lamang online sa My.SSS Portal o over the counter sa ating SSS branch. Nagpapadala ng notipikasyon ang SSS branch tungkol sa inyong aplikasyon sa pamamagitan ng tawag o text ngunit hindi sila manghihingi ng sensitibong impormasyon gamit ang mga nasabing communication channels upang protektahan ang ating mga miyembro.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.