“Magandang araw SSS. Saan maaaring magbayad ng kontribusyon at loan bukod sa mga SSS branches?”
Ito ang isa sa madalas kong natatanggap na katanungan mula sa mga miyembro at employers sa pamamagitan ng email o tawag sa telepono. Naghahanap kasi sila ng alternatibong paraan sa pagbabayad ng SSS contributions at loan dahil sa panahon ngayon. Ang iba naman, mas gusto nilang magbayad online para hindi na sila lumabas ng bahay. Bago pa man ang pandemya, may mga partner banks at non-banks na ang SSS na tumatanggap ng SSS contribution at loan payments. Kaya ngayong linggo ay tatalakayin ko ang SSS payment channels para sa ating employers, individual members, at land-based OFWs.
Unahin natin ang regular at household employers. Maaari silang magbayad ng over the counter sa Asia United Bank, Bank of Commerce, Bank One Savings Bank, Partner Rural Bank, Philippine Business Bank, Rural Bank of Lanuza, Rizal Commercial Banking Corporation, Union Bank of the Philippines at United Coconut Planters Bank.
Pwede rin silang magbayad on-line gamit ang web facilities ng mga sumusunod: Bank of the Philippine Islands, Bizlink, Security Bank, Digibank and SBOL at Union Bank of the Philippines. Maaari rin sa eGov Bancnet channels ng Asia United Bank, Bank of Commerce, China Bank, CTBC Bank, East West Bank, Metrobank, MUFG Bank, Philippine Bank of Communication, Philtrust Bank, Rizal Commercial Banking Corporation, Robinsons Bank, Standard Chartered Bank, United Cocunot Planters Bank at Veterans Bank. Bukas din ang mga Non-Bank Collecting partners para sa kanila gaya ng CIS Bayad Center Inc, Electronic Commerce Payments Inc o ECPay at SM Payment Centers para tumanggap ng SSS payments.
Samantala, ang mga individual members naman ay pwedeng magbayad ng over the counter sa Asia United Bank, Bank of Commerce, Bank One Savings Bank, Partner Rural Bank, Philippine Business Bank, Rural Bank of Lanuza, Rizal Commercial Banking Corporation, Union Bank of the Philippines, United Coconut Planters Bank, at CIS Bayad Center Inc, Electronic Commerce Payments Inc o ECPay at SM Payment Centers.
Kung gusto namang gumamit ng internet banking ang individual members, pwede silang magbayad gamit ang Security Bank Online, Unionbank Online, at Bayad Online (dating Bayad Center Inc.) Maaari din nilang gamitin ang mobile payment facilities ng CIS Bayad Center at PayMaya. Para sa mga miyembro na may SSS Mobile App, pwede silang mag-login dito para makapagbayad ng SSS contribution sa tulong ng PayMaya at BPI Online.
Para sa mga land-based OFWs, pwede silang magbayad ng over-the counter sa mga partner banks gaya ng Asia United Bank, Bank of Commerce at Philippine National Bank; o sa mga non-bank partners tulad sa CashPinas, iRemit, Inc.; LMI Express Delivery, Inc.; Pinoy Express Hatid Padala Services, Inc; at Ventaja International Corporation. Pwede rin nilang gamitin ang mobile payment facilities ng Bayad Online (dating CIS Bayad Center, Inc.); Paymaya at iRemitx. Maaari din nilang gamitin ang SSS Mobile App para makapagbayad ng SSS contribution sa pamamagitan ng PayMaya at BPI Online.
Maari ring magbayad ng over the counter ang mga land-based OFWs sa mga sumusunod na partner banks and non-banks: Asia United Bank, Bank of Commerce, Bank One Savings Bank, Partner Rural Bank, Philippine Business Bank, Rural Bank of Lanuza, Rizal Commercial Banking Corporation, Union Bank of the Philippines at United Coconut Planters Bank, CIS Bayad Center Inc, Electronic Commerce Payments Inc o ECPay at SM Payment Centers
Nais naming paalalahanan ang lahat ng miyembo at employers na ang mga nabanggit na payment channels ay nangangailangan pa rin ng Payment Reference Number (PRN) kaya importante sa lahat ng mga miyembro na gumawa ng My.SSS account dahil doon nila mage-generate ang PRN na gagamitin nila sa pagbabayd ng kontribusyon at loan. Bukod sa My.SSS, maaaring maka-generate ng PRN sa SSS Mobile App, Text-SSS o kaya’y magpadala ng request sa pamamagitan ng email sa prnhelpline@sss.gov.ph.
===
Para sa mga karagdagang impormasyon, sundan lamang ang SSS sa aming opisyal na Facebook page at YouTube channel sa “Philippine Social Security System,” sa Instagram sa “mysssph”, Twitter sa “PHLSSS,” o sumali sa aming SSS Viber Community sa “MYSSSPH UPDATES.” Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.