Sa pinakahuling datos, aabot na sa 990,368 ang aktibong employers na nakarehistro sa SSS. Regular nilang binabayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado at tinutupad ang kanilang mga ligal na obligasyon sa SSS. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay nang advance ng Maternity at Sickness Benefit sa kanilang mga empleyado. Dahil dito, sila ay nagpapasa ng reimbursement application sa SSS upang maibalik sa kanila ang anumang halagang ibinayad nila sa kanilang empleyado.
Bago pa man ipatupad ang online filing ng Maternity Benefit Application at Maternity Benefit Reimbursement Application sa September 1, 2021, nauna nang ipinatutupad ng SSS ang online filing ng Sickness Benefit Reimbursement Application (SBRA) para sa employers noong July 2020. Layunin ng programang ito na mapabilis ang pagproseso ng sickness reimbursement claims. Dahil online na ang submission ng SBRA, hindi na kinakailangan pang ipadala ang mga hard copies ng sickness benefit claims mula sa SSS branches papunta sa processing centers.
Para makapagsubmit ng SBRA online, dapat ay may My.SSS account ang employer at nakarehistro na rin ang kanilang disbursement account sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM). Dapat ay may SSS approval ang sickness notification ng kanilang empleyado; at certification bilang patunay na binayaran nila nang advance ang sickness benefit dahil ipapasa rin ito sa SSS.
Subalit, ang sickness benefit claims na kailangan i-adjust o i-file ulit ay kailangan isumite sa drop box ng SSS branches dahil tumatanggap lamang ang online facility ng bago at initial claims na may aprubadong sickness notification. Pinapayuhan din namin ang employers at company representatives na magschedule ng appointment sa ating SSS branches para kontrolado ang bilang ng mga tao sa aming opisina bilang pagsunod na rin sa precautionary measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kagaya ng iba pang online filing application, layunin ng SSS na gawing mas simple, mas pinadali at mas mabilis ang mga transaksyon para sa ating miyembro at employers.
===
Mula sa ating inbox:
Good day SSS! Namatay ang tita ko noong April pero hindi pa ako nakakapag-file ng Funeral at Death Benefit dahil restricted ang paglabas labas namin at walang mag-aasikaso. Ngayon, yung retirement pension ng tita ko para sa buwan ng May at June ay pumapasok pa rin sa kanyang account. Gustuhin man namin na i-withdraw ito pero natatakot ako na baka may malabag kaming batas. Ano ang inyong maipapayo, Sir? Salamat po! – Jane, Sablan Benguet
Mabuting araw, Jane! Tama ang inyong desisyon na huwag nang galawin ang pumapasok na May at June pension ng iyong tita. Ipapasoli rin kasi ng SSS ang mga pumasok na pensyon matapos mamatay ang iyong tita. Huwag kayong magalala dahil mapapalitan ito ng ibang benepisyo gaya ng funeral at death benefit.
Kapag maluwag nang magsagawa ng transaksyon at mayroon nang makakapag-asikaso sa inyo, mas maiging i-file niyo muna ang Funeral Claim para ito ang magsisilbing hudyat na ihihinto na ng SSS ang pagbibigay ng Retirement Benefit sa iyong tita. Kung ang claimant ay SSS member, pwedeng i-submit ang Funeral Claim Application online gamit ang My.SSS account. Siguraduhin lang na may nakarehistro na ring disbursement account sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM). Kung non-SSS member ang claimant, maaaring i-file ang Funeral Claim dito sa SSS Baguio branch.
===
Para sa mga karagdagang impormasyon, sundan lamang ang SSS sa aming opisyal na Facebook page at YouTube channel sa “Philippine Social Security System,” sa Instagram sa “mysssph”, Twitter sa “PHLSSS,” o sumali sa aming SSS Viber Community sa “MYSSSPH UPDATES.”
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.