Mahalagang malaman ng ating mga miyembro at pensyonado kung saan nila maaaring isasangguni ang kanilang mga katanungan o concern patungkol sa mga benepisyo at serbisyo ng SSS. Gayundin, mahalaga rin na alam nila ang mga lehitimong pagkukuhaan ng impormasyon at updates ukol sa SSS.
Kung may katanungan o concern sa SSS, maaari kayong magpadala ng mensahe sa usssaptayo@sss.gov.ph. Ito ang primary e-mail address ng SSS na dedikado sa pagtanggap ng queries mula sa mga miyembro at pensyonado. May mga nakatalagang empleyado ang SSS na nakatutok sa pagsagot sa mga katanungan na natatanggap ganit ang nasabing e-mail address.
Dagdag pa dito, maaari ring magpadal ng mensahe sa corporate e-mail address ng aming mga sangay. Ito ay maaaring gamitin sa pagfollow up ng status ng benefit claim application o loan application. Madaling tandaan ang corporate e-mail address ng mga branch offices dahil nilalaman nito ang pangalan ng branch karugtong ang @sss.gov.ph.
Halimbawa, kung sa SSS Baguio ka magpapadala ng e-mail, ang kanilang email address ay baguio@sss.gov.ph. Kung sa SSS La Union naman, launion@sss.gov.ph. laoag@sss.gov.ph naman sa SSS Laoag.
Para sa buong listahan ng SSS local at foreign branches at kanilang contact details, hanapin ang mga ito sa sss.gov.ph/sss-branches/. Makikita riyan ang kumpletong address, e-mail address, contact numbers maging ang mapa ng kanilang lokasyon.
Maaari ring tumawag sa SSS hotline1455 o 81455 depende kung anong telepono ang gagamitin.
Para sa mga latest updates tungkol sa mga programa, serbisyo at aktibidad ng SSS, maaaring bisitahin ang social media platforms ng SSS sa Facebook, X, YouTube and Spotify, Instagram at Twitter gamit ang handle na MYSSSPH.
Muli, mahalagang naipaparating ng mga miyembro ang anumang mensahe nila sa SSS upang matugunan ito ng ahensya. Malaking bagay na may mabilis, maaasahan at malinaw na linya ng komunikasyon ang mga miyembro at SSS.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.