Itinatakda ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 ang compulsory SSS coverage ng mga Overseas Filipino Workers. Ibig sabihin, ang land-based at sea-based OFWs na wala pang 60 taong gulang ay kinakailangang maging miyembro ng SSS bago sila magtungo sa ibang bansa upang magtrabaho.
Ang hakbang na ito ng SSS ay bahagi ng pagkalinga sa kanila ng gobyerno. Bilang SSS member, makatatanggap ang OFW members ng social security benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death, funeral at unemployment. Maaari rin silang makautang sa SSS sa ilalim ng salary at calamity loan programs maging sa Pension Loan Program kapag sila ay isang retiree pensioner na.
May pagkakataon din silang mag-invest sa SSS Mandatory Provident Fund at MySSS Pension Booster, mga provident fund programs ng SSS na naglalayon na palakihin ang retirement fund at pensyon ng mga miyembro.
Dahil halos lahat ng transaksyon sa SSS ay online na, mahalagang mayroong My.SSS account ang ating OFW members para kahit nasaan man sila naroroon ay maaari silang makapag-transact sa SSS.
Sa pamamagitan ng My.SSS Portal, maaari rin nilang i-check at ma-monitor ang posting ng kanilang SSS contributions at loan payments upang masigurong posted ang kanilang SSS payments.
Sa ngayon, mayroong 18 foreign offices sa 12 bansa na matatagpuan sa mga embassy, consulate general, Migrant Workers Office at sa Abu Dhabi, Bahrain, Doha, Dubai, Jeddah, Kuwait, Riyadh, Calgary, Toronto, Vancouver, London, Milan, Rome, New York, Los Angeles, Hongkong, Singapore at Taipei. May isa rin tayong SSS office sa loob ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Ortigas.
Sa bagong inilabas ng contribution table nitong 2025, ang minimum monthly contribution ng isang OFW ay P1,200 at ang maximum ay P5,250. Tandaan na iba ang contribution payment deadline ng OFWs. December 31 ng kasalukuyang taon ang payment deadline para sa applicable months ng January hanggang September, samantalang January 31 ng sumunod na taon ang payment deadline para sa applicable months ng October hanggang December ng kasalukuyang taon. Kung matapat ang deadline sa araw ng Sabado, Linggo o Philippine holiday, maaari pa ring magbayad sa susunod na working day.
Mas pinadali rin ang paraan ng pagbabayad ng OFWs dahil sa mga sumusunod na online at mobile facilities. Maaaring magbayad ng contribution at loan ang mga OFWs sa pamamagitan ng MySSS Mobile App via, Maya, BPI, at Credit Card/Debit Card;
Mobile App facilities ng AltPayNet, CIS Bayad Center Inc., Security Bank Corporation, Ventaja at Union Bank of the Philippines at website ng AltPayNet, CIS Bayad Center Inc., Land Bank of the Philippines MYEG Philippines Inc., Security Bank Corporation at Union Bank of the Philippines.
Maaari ring magbayad over the counter ang OFWs sa ibang partner banks at non-bank collecting partners abroad. Ilan sa mga ito ay Asia United Bank, Bank of Commerce, Philippine National Bank, Pinoy Express Hatid Padala Services, Inc. at Ventaja International Corporation. Naka-post sa opisyal na Facebook page ng SSS ang kumpleto at latest na listahan ng mga maaaring pagbayaran.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.