Ang DAEM o Disbursement Account Enrollment Module ay isang proseso sa My.SSS Portal na kung saan ang mga miyembro ay kailangang i-enrol ang kanilang PESONet participating na bank account sa SSS para doon na ididisburse ng SSS ang anumang benefit at loan proceeds na kanilang matatanggap.
Magbigay daan naman tayo sa pagsagot ng ilan sa mga katanungan na madalas matanggap ng inyong lingkod tungkol sa DAEM.
Ano po ang mga requirements na ihahanda namin para sa DAEM?
Kung kayo ay mag-eenrol ng inyong bank account sa DAEM, kinakailangan lamang ang mga sumusunod na litrato na dapat i-upload. Una rito ang litrato ng iyong Proof of Account o POA. Maaaring ATM na kita ang account number at account name, Bank Certificate o Bank Statement na inissue mula noong 2019, Foreign Remittance Receipt, Passbook, Screenshot ng online/ mobile banking account o validated deposit slip. Ikalawa, litrato ng valid government-issued ID o dokumento. Panghuli, ang litrato o “selfie” ng miyembro na hawak ang inupload na proof of account at ID. Kailangang malinaw ang pagkakakuha ng litrato upang hindi mareject ang aplikasyon.
Good day SSS! Tinatanggap na ba ang Senior Citizen ID para sa pag-enrol ng bank account sa My.SSS?
Opo. Sa ngayon ay nadagdagan na ang mga valid government-issued IDs na maaaring gamitin para sa pag-enrol ng bank account sa ilalim ng DAEM. Maliban sa Senior Citizen ID, maaari na ring i-upload ang mga sumusod na IDs Voter’s ID; ID Card na nagmula sa Local Government Unit tulad nang Barangay, Munisipyo o Lungsod; PhilHealth ID; Pag-Ibig ID; PWD ID; Solo Parent ID; PRC ID; at PNP SOCIA ID. Kabilang na rin ang Police Clearance sa listahan ng secondary documents na maaring ipasa para sa DAEM.
Una nang pinayagan ng SSS ang mga sumusunod na Ids at secondary documents: Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card, SSS ID, Philippne National ID, Alien Certificate of Registration, Driver’s License, Firearm Registration, License to Own and Possess Firearms, NBI Clearance, Passport, Permit to Carry Firearms Ourtside of Residence, Postal ID at Seaman’s Book.
Isa lamang sa mga nabanggit na ID ang kailangang i-upload. Siguraduhin na malinaw ang larawan na i-uupload upang maiwasan ang rejection ng inyong DAEM.
Paaano namin malalaman kung aprubado o rejected ang inupload namin na disbursement account?
Makakatanggap din ng e-mail notification ang miyembro kung ang kanyang dokumento sa DAEM ay aprubado na o rejected. Kung rejected man, sasabihin din sa e-mail kung ano ang rason ng rejection. Maaari naman magre-upload ulit ng mga dokumento.
Na-reject ang aking ATM dahil walang nakitang Account Number sa card ko. Ano ang maaari kong gawin?
May mga ATM cards na bank number ang nakikita sa harap ng card at hindi ang account number. Kung ganito ang inyong ATM cards, mag-upload na lamang ng validated deposit slip dahil nakasaad dito ang bank account number. Maaari ring humingi sa bangko ng bank account certification o statement of account na inissue mula noong 2019 at iyan ang i-upload. Paalala sa lahat: siguruhing malinaw ang inyong pangalan at account number sa iuupload na deposit slip.
Kinakailangan ba talagang mag-open ng Bank Account ang nanay ko? Mahirap kasing pumila sa mga bangko.
Kung walang bank account ang member at may tatanggapin siyang benepisyo tulad ng Maternity, Sickness, Unemployment o Funeral Benefit, maaari naman niyang piliin ang opsyon na E-Wallet/ Remittance Transfer Company (RTC)/Cash Payout Outlet. Mamimili siya kung saang E-Wallet/RTC/CPO idedeposito ng SSS ang kanyang benefit proceeds. Ang mga ito ay Coins.PH, DBP Cash Padala thru M. Lhuillier, GCash o Paymaya Inc. Siguraduhin lamang na tama at aktibo ang ilalagay na mobile number dahil dito ipapadala ng SSS ang transaction code.
Hindi muna kasali rito ang mga loans tulad ng Salary at Calamity Loan. Kinakailangan silang mag-bukas ng account sa mga PESONet accredited partner banks ng SSS.
Kung may katanungan kayo tungkol sa SSS o anumang paksa sa SSS na nais ninyong pag-usapan, mag-email lamang sa rillortac@sss.gov.ph