Isa sa mga responsibilidad ng SSS members ay ang updating ng kanilang personal records. Kailangan nagtutugma ang mga impormasyon na nasa SSS records at ang nakalagay sa supporting documents na kanilang ipinapasa sa SSS kapag magpafile sila ng benepisyo o loan. Kung updated at accurate ang detalye ng miyembro, maiiwasan ang pagkaantala o hindi maaprubahan ang kanilang benefit o loan application.
Ilan sa mga impormasyon na kailangang tama at updated ay ang kanilang pangalan, petsa ng kapanganakan, civil status, home at mailing address, mobile at telephone numbers, e-mail address, mga benepisyaryo, gender, at type of SSS membership.
Sa kasalukuyan, pinakamabisa ang mag-update ng record o membership information sa SSS over the counter.
Kung first time ng miyembro maglagay ng mailing at contact details sa SSS, kailangang mag-fill out ng SSS Form E-4 o Member Data Change Request Form at ipasa ito over the counter sa kahit saang SSS branch.
Over the counter ang pagpapasa ng member data change request para sa simple corrections gaya ng (1) pagtatama sa pangalan tulad ng spelling mula “I” ay gagawing “E” o vice versa, correction ng isa o dalawang letra sa pangalan, o pagtatanggal o pagdadagdag ng space at special characters, (2) pagtatama ng prefix gaya ng “de”, “dela” delos”, “del”, at Ma. ay gagawing Maria at vice versa, pageencode ng middle name para makumpleto ang middle initial na nasa SSS records, (3) pagpapalit ng membership status mula “temporary” to “permanent”, (4) pagtatama ng pangalan dahil sa pagpapalit ng Civil Status mula single to married, at (5) pagtatama ng Gender mula “M” to “F” o vice versa.
Ilakip sa SSS E-4 Form ang supporting documents tulad ng Birth Certificate o Marriage Certificate – orihinal o certified true copy na inilabas ng City o Municipal Civil Registrar o Philippine Statistics Authority. Tinatanggap din ang anumang ID o legal na dokumento mula sa ibang bansa basta’t nakasalin ito sa wikang English. Kung pasaporte ang gagamitin, siguraduhing nakikita at nababasa ang pangalan, signature at litrato ng miyembro.
Kung paguupdate naman ng listahan ng beneficiary, pagpapalit ng marital status mula married to single o widow o separated, gagawin ito over the counter. Kailangan lamang magpakita ng Birth Certificate ng idadagdag na beneficiary at legal na dokumento mula PSA o Civil Registrar kung magpapalit ng marital status.
Malapit na muli magbakasyon dahil sa Semana Santa kaya samantalahin na ang pagkakataon na i-check kung tama ang inyong personal records gamit ang inyong My.SSS Account at iupdate na ito habang may oras pa.
Napakahalaga na updated ang impormasyon sa SSS upang maayos ang inyong record at mas Madali ang pagclaim ng benefits o pagapply ng loan sa oras ng pangangailangan.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook X (ang dating Twitter), YouTube, at Viber, hanapin lang ang MYSSSPH.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.