Patuloy na sinisuguro ng SSS ang kinabukasan ng bawat manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong layer ng social protection. Ito ay ang regular na social security program, ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) at ang WISP Plus.
Sa pagkakataong ito ay ating talakayin ang Workers’ Investment ang Savings Program (WISP). Ito ay isang mandatory retirement savings scheme para sa mga miyembro ng SSS bilang karagdagang benepisyo maliban sa kanilang tinatanggap sa ilalim ng kanilang regular program.
Nakapaloob sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018 ang pagkakaroon ng isang mandatory provident fund para sa mga miyembro nito na naghuhulog ng lagpas sa P20,000 ang kanilang Monthly Salary Credit. Samantala, ang monthly salary credit ay ang batayan ng computation ng mga benepisyo at pautang na maaaring matanggap ng miyembro. Awtomatikong sakop o enrolled sa WISP ang mga miyembrong wala pang final claim tulad ng total disability, retirement, ang death benefit ay sakop ng programang ito. Ibig sabihin nito sila ay ang mga aktibong naghuhulog sa regular na SSS program.
Simula Enero 2023, ang buwanang ipon sa WISP ay mula P70 hanggang P1,400.
Sinusundan ng SSS ang prinsipyo ng WORK, SAVE, INVEST at PROSPER. Kaya naman ilalagak sa investment ng SSS ang WISP ng mga miyembro. Ang anumang kikitain dito ay ibabalik nang proporsyonal sa miyembro depende sa halaga ng kanilang contributions. Ang posted contribution sa isang buwan ay magkakaroon ng share sa investment income simula sa unang araw ng susunod na buwan. Hindi lamang nag-iipon ang miyembro kundi kumikita pa ang iipunan niya.
Dagdag dito, anumang halaga na maiipon ng mga miyembro o member’s total accumulated account value mula sa kanilang WISP ay matatanggap nila kasabay ng pagtanggap nila ng kanilang Retirement Benefit o Total Disability Benefit. Ang WISP benefit ay ibibigay nang lump sum o annuity depende kung ang regular SS pension ng miyembro ay lump sum o annuity. Isasabay ang annuity sa monthly pension ng miyembro hanggang sa maubos ito o matanggap nang buo ng miyembro. Kaya ang isang miyembro na nag-iipon din sa WISP ay maaaring makatatanggap ng buwanang pensyon at buwanang benepisyo mula sa WISP.
Maaari ring i-monitor ng miyembro ang posting ng kaniyang kontribusyon sa WISP sa pamamagitan ng kaniyang My.SSS account. Mag-log in sa kaniyang account sa My.SSS. Sunod, magtungo sa “Inquiry” tab at i-click ang “Contributions.” Makikita rito ang contributions niya sa WISP maging ang posting ng kaniyang buwanang hulog sa regular na SSS program at WISP Plus.
Paalala naman sa ating mga pensyonado na hanggang Marso 31, 2023 na lamang sila maaaring mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program o ang taunang pagrereport ng mga pensyonado sa SSS para sa calendar year 2021.
Samantala, ang mga pensyonadong dapat tumugon sa ACOP ay mga retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa, total disability pensioner, survivor pensioner (death), at dependent (minor/incapacitated) pensioner sa ilalim ng guardianship. Kung kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ang isang retirement pensioner, sila ay exempted para sa ACOP compliance.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System – SSS” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.” Maaari din ninyong bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.
Makinig sa ating lingguhang programa ang “Usapang SSS” tuwing Lunes, 10:30AM-11:30AM sa DZWT 540 kHz. Mapapanood rin ito sa live FB stream ng “MPBC DZWT Kumpletos Rekados.