Bigyan daan natin ang ilang katanungan mula sa ating mga masusugid na tagasubaybay sa ating kolum.
Maganda Araw po SSS, expected delivery ko po ay sa unang linggo ng February 2020. Sakop po ba ako sa bagong Maternity Leave at magkano po kaya ang matatanggap ko na maternity incentives? Self-employed lang po ako. Thanks po. – Marriel De Ocampo.
Magandang araw din sa’yo Mariel. Pinalawak ng Expanded Maternity Leave Law ang bilang ng araw na babayaran ng SSS sa mga babaeng miyembrong manganganak. Mula sa 60 araw kung Normal Delivery at 78 araw kung Cesarean, ito ay magiging 105 araw na maging Ceasarian man ito o Normal Delivery, 120 araw kung single parent, at 60 araw naman kung Miscarriage o Emergency Pregnancy Termination. Epektibo ang batas na ito mula noong Marso 11, 2019 kaya pasok na pasok ka para mag-avail ng EMLL. Ang benepisyong matatanggap mo ay batay sa 100% ng iyong Average Daily Salary Credit. Importanteng may hulog ka ng hindi bababa sa tatlong buwan sa loob ng 12-month period bago ang semestre ng iyong panganganak. Kung sa Pebrero 2020 ka manganganak, ang semester of contingency mo ay Oktubre 2019 hanggang Marso 2020. Dapat ay may tatlong buwan na kontribusyon ka mula Setyembre 2018 hanggang ngayong Setyembre 2019 para ma-avail mo ang iyong SSS Maternity Benefit. Siguraduhing nakapagsumite ka ng Maternity Notification sa alin mang sangay ng SSS. Ang halaga ng maternity beneift ay ibinabatay sa inyong mga hulog.
Hi SSS! Pati ba taxi drivers pwedeng mag-member sa SSS? Ang papa ko po ay 7 years na nagda-drive ng taxi dito pero on and off. Wala po siya SSS at Philhealth ano po ang dapat gawin? – Risa
Hi Risa! Yes, ang taxi drivers ay pwedeng maging miyembro ng SSS. Kung sarili niya ang taxi at walang operator, siya ay kabilang sa Self-Employed Category. Kung wala pa siyang SS number, kailangan niyang mag-rehistro sa SSS sa pamamagitan ng pag fill-up ng SSS Form ER-1 o Personal Record Form. Ibabase ang Monthly Salary Credit (MSC) sa kanyang buwanang kita at mula roon ay malalaman ang kanyang buwanang kontribusyon sa SSS. Kung siya naman ay nakikimaneho at nasa ilalim ng isang operator, kailangan siyang irehistro ng kanyang operator bilang employed member ng SSS. Kailangan niyang isumite ang kaniyang SS number sa kaniyang operator/employer upang siya ay i-report sa SSS at nang makaltasan siya para sa SSS contribution. Mas mabuting suriin din ng iyong tatay ang kanyang SSS records upang siguraduhing inireremit ng kanyang employer ang kanyang kontribusyon sa SSS gamit ang My.SSS portal ng SSS website o ang SSS Mobile App.
Hi! HR staff po ako pero last day ko na sa work sa September 27, 2019 dahil redundancy daw po ang aking position. Narinig ko po about your Unemployment Benefit and reviewing it, nalaman ko po na qualified naman ako to avail such benefit. I have more than 36 months contribution and latest is August 2019. Pwede na po bang magsubmit ng documents ngayon at saan po ako pwede mag-submit? Sa Makati po kasi ang aming main office pero dito po sa Baguio ang branch office namin – Florence Ace
Hi Florence Ace! Pwedeng pwede ka na magsubmit ng requirements para makapag-avail ng unemployment benefits. Kailangan mo lang mag-submit ng certification mula sa DOLE na kung saan nakasaad ang rason at petsa ng iyong involuntary separation pati na rin ang Notice of Termination mula ssa employer o Affidavit of Termination of Employment, photocopy ng iyong primary ID o dokumento. Kung wala ka ng mga nabanggit, iprisinta lamang ng dalawang ID cards o dokumento na may pirma at litrato sa alin mang sangay ng SSS. Mayroon ka namang isang taon para i-file ang iyong Unemployment Benefit application.
====
Congratulations po sa Herald Express dahil sila ay ginawaran ng Special Citation ng SSS bilang Best Media Partner sa 2019 Balikat ng Bayan Award. Katuwang ng SSS ang Herald Express sa pagbibigay ng wasto at napapanahong impormasyon sa ating mga miyembro tungkol sa SSS.
Hinirang naman bilang Best Employer sa Luzon North 1 Division ang Dr. Antonio A. Ranada Clinic and Hospital mula Laoag City sa ilalim ng Small Category, at Rural Bank of Rosario LU Inc. sa ilalim ng Medium Category. Ang dalawang employers ay nakitaan ng pagsisikap na tupdin ang kanilang obligasyon sa SSS at naging katuwang ng ahensiya para mabigyan ng social security protection ang kani-kanilang mga empleyado.
====
Nais naming ipaalam sa aming mga pensioners na bukas po ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pinansyal. Inaanyayahan namin ang aming mga pensiyonado na nais mag-avail ng PLP na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.
====
Patuloy po na tumutok sa ating “Usapang SSS” sa radyo tuwing Martes ng 10:30 am sa DZWT 540 Khz, at tuwing Biyernes ng 9:00 am sa 98.7 Z-Radio.
====
E-mail niyo po ako sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa mga susunod na column.