Naka-isolate ngayon si Woman National Master Mhage Sebastian ng Flora, Apayao kasama ang kanyang pamilya matapos makumpirmang positibo ito sa COVID19 kahapon.
Si Sebastian, 15 years old ang huling makumpirma na positibo sa virus sa kanilang pamilya matapos madelay ang resulta at kailangang ma-rerun ang kanyang specimen.
Si Mhage at pamilya ay nasa mabuti namang kalagayan at pawang ang tatay ang nagkaroon ng lagnat, ubo at pananakit ng katawan kayat minabuting mailipat sa Flora District Hospital para maobserbahan.
Unang nakumpirma na positibo ang ama ni Sebastian noong Sept 5 kayat nag-RT PCR test ang miyembros ng kapamilya kasama na dito si Mhage.
Unang lumabas ang resulta nang mama nito at bunsong kapatid noong Sept 8 samantalang si Mhage sa Sept. 9.
Nagpaabot naman ng mensahe si Grandmaster Jayson Gonzales, isa sa mga coaching staff ng Philippine National Chess Team sa ama ni Mhage “na nakakalungkot ang balitang lahat ng pamilya ni Sebastian ay nagpositibo ngunit naniniwalang malalampasan din ang daguk na ito.”
Ayon sa ama ni Mhage, tuloy pa rin ang mga national at international tournaments ni Mhage kahit na naka-quarantine ito basta maganda ang internet connection. Humihiling siya nang suporta para matulongan si Mhage sa mga marami pang torneyong sasalihan.
Si Mhage ay naging pinakabatang miyembro ng Philippine Chess Team noong nakaraang taon nang magupo niya ang ikalimang pwesto sa nakalipas na Grand Finals ng Philippine Sports Commission – National Chess Federation of the Philippines (PSC-NCFP) National Team selection. Siya ngayon ang tinaguriang pinakabatang miyembro ng kupunan sa 15 taong gulang.
Sa kasalukuyan, siya ang Team Captain ng FEU High School Girls. Siya ang pinaka bata at kauna-unahang Woman Master sa Far Northern Luzon na kinabibilangan na ang Rehiyong Cordilyera at Rehiyon 2.