Kabilang sa pitong benepisyo ng SSS ang Death Benefit o Benepisyo sa Pagkamatay. Isa itong cash benefit na ibinibigay sa mga qualified beneficiaries ng yumaong SSS member.
Bago natin talakayin ang qualifications at halaga ng benepisyo, sinu-sino nga ba ang legal beneficiaries ng isang SSS member?
May order of priority na sinusunod ang SSS pagdating sa pagbibigay ng death benefit. Una rito ang surviving legal spouse at mga menor de edad na anak bilang primary beneficiaries. Kung walang asawa at anak ang namatay na miyembro, secondary beneficiaries o magulang nito ang makakatanggap ng death benefit. Kung wala pa ring primary at secondary beneficiaries, sa designated beneficiaries ipagkakaloob ang benepisyo. Sila ang mga dinesignate o nireport ng miyembro noong siya ay nabubuhay pa bilang kanyang mga beneficiaries. Ang karaniwang designated beneficiaries ay mga kapatid o sinumang kamag-anak. Kung walang primary, secondary o designated beneficiaries, ibibigay ang benepisyo sa kaniyang legal heirs o legal na tagapagmana na naayon sa Civil Code ng Pilipinas.
May dalawang paraan sa pagbabayad ng death benefit –sa pamamagitan ng buwanang pension o lumpsum.
Kung nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 monthly contributions bago ang semestre ng pagkamatay ng miyembro, tatanggap ng monthly pension ang surviving legal spouse. Subalit, kung hindi umabot sa 36 months ang kontribusyon ng namatay na miyembro kahit na buhay pa ang primary beneficiary nito, lumpsum lamang ang matatanggap nilang benepisyo.
Makakatanggap naman ng dependent’s pension ang mga menor de edad na anak. Katumbas ito ng 10% ng monthly pension ng surviving spouse o minimum na P250.00 kada buwan, alinman ang mas mataas sa dalawa hanggang sila ay umabot sa 21 taong gulang. Tandaan na ang mga menor de edad na anak ay kinabibilangan ng dependent legitimate, legitimated o legally adopted pati na rin ang illegitimate na anak na hindi pa umaabot sa 21 taong gulang o kung sila man ay 21 taong gulang ngunit walang kapasidad na suportahan ang sarili o incapacitated.
Kung walang primary beneficiary ang namatay ng miyembro, subalit nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 months contribution bago ang semestre ng kaniyang pagkamatay, babayaran nang lumpsum amount ang secondary beneficiary nito. Kung wala na ring secondary beneficiary, ibibigay ang lumpsum amount sa designated beneficiaries.
Tandaan po natin na lumpsum payment ang matatanggap ng secondary, designated o legal heirs. Tanging primary beneficiary o surviving spouse lamang ang tatanggap ng monthly pension. Sa kasalukuyan, nasa P4,003 kada buwan ang karaniwang halaga ng death pension. Nasa P2,000 kada buwan ang pinakamababa samantalang umaabot sa P18,803 kada buwan ang pinkamalaking halaga ng death pension.
May dalawang paraan para i-file ang death Benefit claim.Maaari magpasa over the counter sa alinmang sangay ng SSS. Kung dependent legal spouse at SSS member, maaaring magfile online gamit ang kanilang My.SSS Account.
Kung over the counter, kailangan kumpleto ang mga dokumento tulad ng Death Benefit Claim application (downloadable sa sss.gov.ph); Death Certificate; Marriage Certificate kung ang claimant ay dependent legal spouse; Orihinal na kopya o Certified True Copy ng Birth Certificate ng mga Dependent Children; at valid government issued ID. Maaaring manghingi ng karagadagang dokumento ang SSS, depende sa evaluation ng isinumiteng dokumento gaya ng Affidavit of Death Benefit, filer’s affidavit o sinumpaang salaysay, at joint affidavit of two disinterested persons kung ang claimant ay legal heirs o designated beneficiary. Ang mga SSS Forms na nabanggit ay downloadable sa SSS Website o maaring makakauha ng print-out sa alinmang SSS branch.
Matitigil lamang ang pagtanggap ng pension kung ang dependent legal spouse ay nakapag-asawa muli o may kinakasama bago o pagkatapos yumao ang miyembro, nasa legal age na ang dating menor de edad na anak o kaya naman nagtrabaho ang menor de edad na anak bago sumapit ang kanyal legal age.
Pinapaalalahanan din ang lahat ng surviving spouse at dependent minor children na huwag kalimutang magcomply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) bago o sa mismong birth month ng namatay na miyembropara hindi i-suspend ang pagtanggap nila ng pension kada buwan.
Kung may paksa o katanungan kayo tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, mag-email lamang sa rillortac@sss.gov.ph.