Inilunsad kamakailan ng Social Security System (SSS) ang Condonation Program para sa mga employer na hindi nakakapagbayad ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado. Ito ay isang programa na nakapaloob na Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nilagdaan bilang batas noong Pebreto 7, 2019.
Sa ilalim ng programang ito, ang kabuuang kontribusyon na lamang ang babayaran ng employer samantalang ipagpapaliban na ang naipong multa. Kinakailangan lamang na mag-submit ng letter of intent ang employer sa SSS upang mabigyan siya ng kaukulang computation ng dapat niyang bayaran. May hanggang 48 na buwan o apat na taon ang employer para isettle ang kanilang obligasyon sa SSS.
Ayon sa Accounts Management Section ng SSS Baguio, mahigit 14,000 aktibong employers ang nakarehistro sa branch na ito. Subalit, nakapagtala rin sila ng higit 1,500 delingkwenteng employers dahil hindi tuloytuloy ang pagbabayad ng kontribusyon sa SSS. Sa katunayan, may ibang employers ang hindi nagbayad ng kontribusyon mula sa unang araw ng kanilang opersayon. Mayroong hindi rin nag-rereport ng tamang bilang ng kanilang empleyado sa SSS.
Dahil dito, iniimbitahan ng SSS ang mga employer na may problema sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado na magtungo sa SSS para ayusin ang kanilang rekords. Malaking tulong ang programang ito hindi lamang sa employers kundi lalo na rin sa mga empleyado dahil sa wakas ay lubusan na nilang mapakikinabangan ang kanilang mga benepisyo at pribilehiyo sa SSS na maaaring pansamantalang naantala dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga employer.
Sa tala ng SSS, mahigit 132,000 delinquent employers sa buong bansa ang pwedeng magapply sa programang ito. Samantala, nasa 1.4 milyong empleyado naman mula sa pribadong sektor ang makikinabang sa Condonation Program na ito para sa employers.
Sa pagpapatupad ng Condonation Program, inaasahang makakakolekta ang SSS ng P10.66 bilyon mula sa delingkwenteng employers. Ang halagang ito ay tiyak namang mailalaan sa mga benepisyo at pribilehiyo ng mga miyembro at pensyonado.
Kaya’t inaanyayahan ko ang mga delingkwenteng employers na samantalahin ang pagkakataong ito at mag-apply na sa SSS branch na nakakasakop sa inyong kumpanya o negosyo. Hanggang Setyembre 6, 2019 lamang ang programang ito.
===
Good news naman sa mga Self-Employed, Voluntary, at Non-Working Spouse dahil pinahaba ng SSS ang panahon ng pagbabayad ng kontribusyon para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019. Base sa bagong iskedyul na inilabas ng SSS, ang hulog para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019 ay maaaring bayaran sa kahit anong araw hanggang Hulyo 31, 2019.
Para naman sa regular at household employers, maaari na nilang bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado hanggang sa katapusan ng susunod na buwan. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon para sa Marso 2019 ay sa Abril 30, 2019 na.
Hindi pa natatapos ang magandang balita, dahil pwede na rin magbayad ang mga may kasambahay kadaikatlong buwan o calendar quarter ang alinmang buwan sa nasabing quarter. Ang mga calendar quarter ay Enero hanggang Marso, Abril hanggang Hunyo, Hulyo hanggang Setyembre, at Oktubre hanggang Disyembre. Ang deadline na ng pagbabayad para sa mga kasambahay ay tuwing katapusan ng buwan na kasunod ng nasabing quarter. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon para sa unang quarter ng taon (Enero hanggang Marso) ay sa darating na April 30.
Samantala, hindi naman nagbago ang iskedyul ng Overseas Filipino Worker (OFW) members sa pagbabayad ng kontribusyon. Ang buong taong kontribusyon nila ay maaari nilang bayaran sa anumang araw sa loob ng parehong taon. Ang kontribusyon para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre hanggang sa katapusan ng Enero ng susunod na taon. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad para sa Enero 2019 ay hanggang sa Disyembre 31, 2019 habang ang deadline para sa Oktubre 2019 ay hanggang Enero 31, 2020.
===
Nitong mga nakaraang linggo, abala ang SSS North Luzon 1 Division sa pagdalo sa mga Career Talks para sa graduating college students. Ang University Tour ay isa sa mga proyekto ng Division na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang mga magsisipagtapos sa kolehiyo at sasabak na sa pagtatrabaho. Sa pamamagitan nito, naipapaliwanag sa kanila nang husto ang kahalagahan ng pagiging miyembro ng SSS at nalalaman nila ang iba’t-ibang benepisyo at pribilehiyo na maaari nilang matanggap. Importante rin na kumuha sila ng kanilang Social Security (SS) number habang naghahanap ng trabaho dahil isa ito sa mga requirements ng employers.
===
Nais naming ipaalam sa aming mga retiree pensioners na bukas po ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang p a n g a n g a i l a n g a n g pampinansyal. Samantala, ang Loan Restructuring Program naman ay bukas hanggang ika-1 ng Abril 2019. Sa LRP, pinagaan ang pagbabayad ng mga loan balance ng aming mga miyembro. Inaanyayahan namin ang aming mga pensiyonado o miyembro na nais mag-avail ng alinman sa dalawang programang ito, na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.
===
Para sa anumang suhestiyon, opinyon at iba pang katanungan tungkol sa inyong SSS membership, ipadala lamang sa aking e-mail address sa rillortac@sss.gov.ph at susubukan nating pagusapan yan sa ating susunod na column.