Tapos na ang Undas pero pag-usapan pa rin natin ang ilang katanungan ng ating mga miyembro tungkol sa SSS Death at Funeral Benefit Program.
Gud pm, SSS. Narinig ko po kayo sa radyo at nabanggit ninyo ang tungkol sa Dependent’s Pension ng namatay na miyembro. Hindi ko po natapos ang programa kaya ang tanong ko po ay magkano po ba ang matatanggap ng Dependent’s Pension at sino ang maaaring makakuha nito? Namatay po kasi ang tatay ko noong August at may kapatid pa kaming 20 years old ngayon. Entitled ba siya sa benefit na ito? Thank you po! – Salvi, Brgy. Brookside.
Hi Salvi. Ang mga legitimate, legitimated, legally adopted at illegitimate na anak ng miyembrong namatay ay makakatanggap ng Dependent’s Pension o katumbas ng 10% ng monthly pension ng member o P250.00, alinman ang mas mataas. Kinakailangan lamang na pasok ang mga ito sa mga sumusunod na qualifications tulad ng: walang asawa, walang trabaho, hindi pa umaabot sa 21 years old, o kung higit 21 years old ay may kapansanan simula pagkabata at walang pisikal o mental na kakayahan para suportuhan ang kanyang sarili. #
Dear Sir, my mother died last May 2015. Can we still apply/file for her Death Benefit and what are the documents needed if ever? Thank you and more power! – Samantha Philips.
Hello Samantha. Yes, you can still file for the SSS Death Benefit claim of your mother. We don’t have a prescriptive period for such benefit claims. Is your father still alive? If so, he is the qualified primary beneficiary to file the claim as your mother’s legal spouse. Documents to be submitted are the following: SSS Death Benefit Application Form, Filer’s Affidavit, Member’s/Claimant’s Photo, Death Certificate (certified true copy or from the Philippine Statistics Authority (PSA), Marriage Contract (certified true copy or from the Philippine Statistics Authority), Single savings account passbook/ATM card, and any two (2) valid IDs with photo and signature of the filer/claimant. The forms are downloadable via SSS website sss.gov.ph. #
Hello SSS, damageg man lang sir nu kasapulan pay ti Death Certificate ti nagannak nu ag-file kami ti Death Benefit para diyay manong ko nga natay nga agtawanen ti 70? Ket nabayagen nga natay ni nanang ken tatangmi ijay Atok ket haanmin mabirukan diyay Dath Certificates da. Agyaman kami sir – Daniel, La Trinidad, Benguet. (Hello SSS, tanong ko lang kung kailangan pa ba ng Death Certificates ng aming mga magulang kung magpa-file kami ng Death Benefit para sa aming kuya na namatay sa edad na 70? Matagal nang patay ang aming nanay at tatay sa Atok at hindi na namin mahanap ang kanilang Birth Certificates. Salamat)
Hello Sir Daniel! Sa ilalim ng SSS Law, mayroon tayong sinusunod na Order of Preference of Beneficiaries kung saan ito ay binubuo ng apat na kategorya: Primary, Secondary, Designated at Legal Heirs. Kung ang namatay mong kapatid ay may legal na asawa at menor de edad na mga anak, legitimate man ito o illegitimate o kaya’y legally adopted, sila ang babayaran ng SSS. Samantala, kung walang primary beneficiaries ang iyong kuya, ang inyong mga magulang ang mag-claim ng Death Benefit. Kapag wala na ring secondary beneficiaries, ang sinumang isinulat n’ya sa kanyang records sa SSS ang maaaring mag-file ng naturang benefit. Maaari itong mga kapatid o kamag-anak ng namayapang miyembro. Kapag wala ng designated beneficiaries, ang legal heirs ang maaaring mag-claim. Hinihingi ng SSS ang mga death certificates ng mga magulang ng miyembro kung patay na ang mga ito at ang nag-claim ay ang designated beneficiary ng miyembro na kanyang itinalaga o ini-report sa SSS. #
Hi SSS, pwede ba ang NBI Clearance ID na gamitin sa pagfa-file ng Death Benefit sa asawa ko? O ano pa po bang ibang ID ang kailangan? Nawala kasi ang aking UMID card. Salamat po – Raffy
Hi Raffy! Oo, maaari ding gamitin ang inyong updated NBI Clearance para sa pag-file ng SSS Death Benefit claim application ng inyong asawa. Samantala, kung wala nito, maaari ding ipakita ang mga sumusunod: Passport, Alien Certificate of Registration, Driver’s License, Firearm Registration, License to Own and Process Firearms, Permit to Carry Firearms Outside of Residence, Postal ID, Seaman’s Book at Voter’s ID. Kung wala sa nabanggit na primary IDs, maaaring magpakita ang filer/claimant ng anumang dalawang ID cards na may larawan at lagda niya. #
====
Patuloy pa rin ang pagtanggap ng SSS sa Pension Loan Program (PLP) para sa ating mga retiree pensioners. Makakahiram na po kayo hanggang P200,000 bilang maximum loanable amount na maaaring bayaran hanggang 24 months o dalawang (2) taon. Magsadya lamang sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para sa inyong mga aplikasyon.
====
Namamayagpag pa rin sa ere ang ating “Usapang SSS”. Makinig at makisali sa aming usapan tuwing Martes, 10:30 ng umaga sa DZWT 540 Khz sa “Kumpletos Rekados” ni Aleng Rosa at tuwing Biyernes, alas-9 ng umaga sa programang “Tambalang Edong Carta at Jimmy Luzano” sa 98.7 Z-Radio.
====
Magpadala po kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa ating mga susunod na column.