Patapos na ang 2019 at sasalubungin naman natin ang panibagong taon. Maraming pagsubok ang ating pinagdaanan pero andito pa tayo at nakatayo pa rin. Katulad din tayo ng SSS na sa kabila ng mga pagsubok at pagbabago sa loob ng ahensiya ay nakatindig pa rin at nanatiling malakas upang magbigay ng serbsiyo sa kanyang mga miyembro.
Sa darating na 2020, ipinapangako ng pamunuan ng SSS na mas paghagandahin pa ang serbisyo, daragdagan pa ang mga magagandang programa para sa mga miyembro at mas palalawigin pa ang pagsakop sa mga indibidwal na nais maging miyembro.
====
Good news sa ating mga members lalong lalo na sa mga Voluntary, Self-Employed, Overseas Filipino Workers at Non-Working Spouse members! Maaari nang magbayad ng kontribusyon online sa SSS Mobile App gamit ang PayMaya o anumang Visa, Mastercard or JCB credit, debit o cards mula sa SSS Mobile App.
Mag-download na ng SSS Mobile App. Kailangan muna mag log-in ang member gamit ang My.SSS account user’s ID at password para makapag-generate ng Payment Reference Number (PRN) at Statement of Account. Matapos nito ay pwede nang i-tap ang pay button gamit ang PayMaya Account o Credit/Debit Card.
Ang bawat online payment transaction gamit ang PayMaya Account ay may katumbas na convenience fee a P10.00 lamang samantalang 1.75 porsyento naman ng kabuuang halaga ng babayarang kontribusyon ang convenience fee gamit ang credit o debit card.
Ang online transactions na ito ay malaking hakbang ng SSS tungo sa planong digitalization. Bukod sa pagbabayad ng loan at kontribusyon, online na rin ang pag-apply ng salary loan.
====
Binuksan na po ang Calamity Assistance Package para sa mga SSS members at pensioners namin na naapektuhan ng bagyong Tisoy. Kung kayo po ay residente o nagta-trabaho sa Bicol region, Southern Luzon, at iba pang parte ng Visayas na idineklarang nasa state of calamity ng National Disaster Risk and Management Council (NDRRMC), maaari na kayong mag-apply ng CAP. Sa ilalim ng assistance package na ito, maaaring mag-avail ng Calamity Loan at Direct House Repair and Improvement Loan ang mga miyembro. Samantala, ang mga pensioners naman ay maaaring mag-apply ng three-months advance pension.
Kung may kamag-anak kayo o kaibigan na nakatira sa nabanggit na rehiyon, ipagbigay alam sa kanila ang tungkol sa CAP. Maaari silang magsadya sa pinakamalapit na SSS branch sa kanilang lugar upang magtanong.
====
Mabuting balita para sa ating mga Voluntary, Self-Employed at OFW members na magbabayad ng kanilang SSS contributions para sa buwan ng October hanggang December 2019. Hindi pa po huli ang lahat dahil pwede pa ninyo itong bayaran hanggang sa last working day ng January 2020.
====
Bukas pa rin ang SSS sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Enhanced Pension Loan Program (PLP) para sa ating mga retiree pensioners. Katumbas po ng 3, 6, 9 o kaya ay 12 months pension ang maaaring mahiram ng ating Retiree Pensioners. Ang mga pensioners ay maaaring makahiram ng hanggang P200,000 bilang maximum loanable amount na maaaring bayaran hanggang 24 months o dalawang (2) taon. Magsadya lamang sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para sa inyong mga aplikasyon.
====
Magpadala po kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa ating mga susunod na column.
Happy New year po sa inyong lahat!