Para sa kaalaman ng ating mga employer, hindi lamang delinquency ang basehan ng kasong kriminal laban sa mga hindi sumusunod sa SS Act. Maaari ring ireklamo ang employer sa hindi nito pagpapakita ng mga kaukulang registration, employment records, vouchers, payroll, Contribution Collection List (R3), R5 o payment form at ano pa mang patunay ng listahan ng mga empleyado, sweldo at haba ng paninilbihan o period of employment.
Ayon sa batas, pwedeng pilitin ng SSS ang employer na magpakita ng mga nasabing record para makulekta ang nararapat para sa mga empleyado. Ang hindi sumunod sa ganitong patakaran ng batas ay maaring maparusahan ng anim na tao at isang araw o higit pa pero hindi lalampas ng 12 taon. Sa pamamagitan din ng employment record gaya ng payslip at payroll malalaman ng SSS kung tama ba ang inireremit ng employer at ito’y pwede ring gamiting basehan sa pagcocompute ng babayaran ng employer.
Sa oras na hindi maipakita ang naturang mga record, icocompute ng SSS ang delinquency base sa huling nabayaran ng employer, ito ang tinatawag na legal assessment alinsunod sa Section 24 c ng RA 8282 or SS Act of 1997. Ang sapilitang pagrereport ng mga empleyado para maging myembro ng SSS ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsasubmit ng report na naglalaman ng bilang ng mga empleyado, petsa kung kailan nagumpisa ang bisnes, pangalan ng bawat empleyado, kanilang sweldo at petsa kung kailan nagsimula sa trabaho. Ang form para sa reporting ay ang SS Form R1 o Employer Registration, R1a o Employment Report at ang R3 o Contribution Collection List. Ito ay base na rin sa batas—
“SEC. 24. Employment Records and Reports. – (a) Each employer shall immediately report to the SSS the names, ages, civil status, occupations, salaries and dependents of all his employees who are subject to compulsory coverage:
Batid ng SSS na ang Enero ang panahon ng pagkuha ng clearance at ito kadalasan ang panahon na napipilitan ang mga employer na magrehistro at magreport ng mga empleyado. Pero alam din ng SSS na marami pa ring mga employer ang sumusuway sa tamang pagrerehistro at pagrereport gaya ng hindi pagbibigay ng tamang monthly salary bracket, period of employment at ng kumpletong listahan ng mga empleyado, kadalasan para makatipid sa bayarin. Hinihikayat ng SSS na magreklamo ang mga mangagagawang hindi naireport sa SSS para mapilitan ang employer na tumupad sa kanyang obligasyon. Maaring makasuhan ang employer na hindi susunod sa batas ng SSS. Kaya para sa proteksyon ng employer, nararapat lamang na magkaroon ito ng tapat na record ng lahat ng kanyang mga empleyado kasama ang halaga ng kanilang sahod at kung gaano sila katagal nagtrabaho.
Muli naming pinapaalala, hindi lang miminsang nagkaroon ng reklamo sa SSS ukol sa mga empleyadong hindi naireport upang maging myembro. Kapag hinintay ang mahabang panahon, maaring mas malaki pa ang maipataw na penalty kumpara sa premium o contribution na dapat bayaran. Sa pagkakataong ito, magcocompute ang SSS base sa salaysay ng empleyado tungkol sa kanyang sinahod at haba ng kanyang pagtatrabaho. Makabubuting mayroong naitagong record ang employer upang maiwasan ang hindi tamang pagcocompute ng delinquency dahil autorisado ng batas ang pagcocompute ng SSS ng nararapat na delinquency maski pa lumipas ang 20 taon, na bibilangin lamang simula sa pagkakadiskubre ng naturang delinquency.
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa inyong mga karapatan at benepisyo sa SSS, maaring mag-email sa heraldexpress@yahoo.com o sa aking yahoo account–russmao@yahoo.com.
“And my God will meet all your needs according to his glorious riches in Christ Jesus.” Philippians 4:19