Noong nakaraang linggo, tinalakay ko ang online at mobile services ng SSS para sa mas mabilis, mas madali, at mas ligtas na paraan ng pakikipagtransaksyon sa SSS. Ngayon naman ay ibabalita ko sa inyo ang makabagong paraan sa pagbibigay ng mga benepisyo sa mga miyembro at benepisyaryo ng SSS.
Una rito ang SSS Funeral Benefit claim. Kung dati ay gumagamit tayo ng tseke para mabayaran ang mga claimants sa nasabing benepisyo, simula June 22, 2020, ang pagbabayad ng Funeral Benefit claims ay idadaan na sa mga bangko sa tulong ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks, E-Wallets tulad ng PayMaya o sa mga Remittance Transfer Companies (RTCs)/ Cash Payout Outlets (CPOs) tulad ng M Lhuillier. Maaari rin ito sa pamamagitan ng Unified Multi-Purpose Identification na inirehistro bilang ATM card.
Kung sakaling walang UMID-ATM ang miyembro o claimant, kailangan irehistro ang kanilang disbursement account sa Bank Enrollment Module. Mag-login lamang sa kanilang My.SSS account sa SSS website www.sss.gov.ph. Piliin ang E-Services tab at i-click ang Bank Enrollment Module. Pumili ng PESONet participating bank o E-Wallets o RTC/CPO at ilagay ang tamang bank account number o mobile number para sa e-wallet o RTC/CPO.
Kung hindi naman SSS member ang claimant, kinakailangan nilang i-sumite sa SSS ang kopya ng kanilang bank account kasama ang kanilang Funeral Benefit application form.
Ang checkless benefit releases ay bahagi pa rin ng digitalization efforts ng SSS upang maging mas simple, maginhawa at mas mabilis ang transaksyon sa SSS. Maiiwasan din dito ang posibleng pagkaantala ng pagtanggap ng mga tseke na dating pamamaraan ng pagbabayad ng Funeral Benefits.
Maliban sa funeral benefit, checkless na rin ang ang pagbibigay ng unemployment insurance benefit, pati salary at calamity loan.
===
See other columns
Mula po sa ating inbox:
Good day! Member po ako ng SSS at ang inilagay kong benepisyaryo ay aking mga magulang. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon po ako ng anak ngunit namatay din ito makalipas ng limang araw, makakatanggap po ba ako ng funeral o burial assistance? -MC
Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong anak, MC.
Nais kong liwanagin na ang SSS Funeral Benefit ay ibinibigay sa sinumang gumastos sa pagpapalibing ng namatay na miyembro. Maliban dito, makatatanggap ng death benefit ang legal o lehitimong benepisyaryo ng namatay na miyembro. Samakatuwid, wala po kayong makukuhang funeral o death benefit dahil kayo mismo ang miyembro ng SSS, at hindi ang inyong anak. Muli, ang aming pakikiramay sa inyong pamilya.
===
Good day sir,
I saw an internet article, where you’re answering inquiries regarding the Unemployment Benefit. Ask ko po sana if sino talaga ang dapat mag- asikaso n’yan, sa HR po kasi ako nagtratrabaho at may mga na-retrenched po kaming tao dahil na rin sa COVID-19. Nabigyan na po namin sila ng Notice of Termination na nagamit nila para makakuha ng Certification sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ngayon po sabi ko, ayon sa guidelines ng SSS, need nila ipasa ‘yung DOLE Certification plus copy ng valid IDs nila sa SSS para makapag-file na sila ng claim. HR po ba talaga ang dapat mag-file sa SSS ng Unemployment Benefit nila or silang mga empleyado? Maraming Salamat po at God bless po. – Vanessa
Hi Vanessa,
No. The SSS Unemployment Benefit application should be filed by the employee, and not the employer. The company will only issue a Certificate of Separation to the affected employee while the employee-applicant shall secure another certification from the DOLE. These 2 documents should be uploaded by the employee once he/she applies for online. Electronic copies of the DOLE certification is also accepted subject to the veracity of the submitted document upon submission of application.
===
Good day,
Available na po ba ang PRN para sa salary loan? Nag-try po ako sa My.SSS wala pong option. Even po ba sa calamity loan, need na rin ng PRN? Salamat – Herbie
Hi Herbie,
Ang Payment Reference Number (PRN) po ay para lamang sa SSS contribution payment. Sa kasalukuyan, hindi pa kailangan ang PRN sa pagbabayad ng loan–salary o calamity loan man.
===
Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph
You might also like: