Paalala sa mga miyembro na may delinquencies sa kanilang housing loan sa SSS, hanggang Pebrero 28, 2023 na lamang tatanggap ng aplikasyon para sa Penalty Condonation Program for Housing Loan (PCPHL).
Inilunsad ng SSS ang nasabing programa para matulungan ang mga miyembrong may hindi pa nababayarang housing loan. Sa ilalim ng PCPHL, bibigyan sila ng pagkakataon na mabayaran ang kanilang past-due housing loan obligations sa SSS sa tulong ng affordable payment schemes at condonation o pagpapaliban ng multa.
Sinasabing may past-due housing loan ang isang miyembro kung ito ay delinquent o hindi na nababayaran sa nakalipas na anim (6) na buwan as of filing date ng aplikasyon ng miyembro sa loob ng condonation period.
Sakop ng nasabing programang ang lahat ng housing loan borrowers, kanilang duly designated successor/s-in-interest/legal heir/s na may past due housing loan obligations, kahit expired o hindi ang orihinal o dati pang restructured loan.
Kasama rin ang mga housing loan borrowers na foreclosed ang property at sumailalim na sa auction sale kung saan ang SSS ang winning bidder at ang Certificate of Sale ay hindi pa nakarehistro sa ilalim ng SSS housing loan programs tulad ng mga sumusunod:
- Direct Individual Housing Loan Program kasama ang mga duplex housing loan accounts;
- Direct Housing Loan Facility for Overseas Filipino Workers (OFWs)/ Worker’s Organization Members (WOMs); at
- Direct House Repair and Improvement Program.
Maaaring mag-avail sa PCPHL ang lahat ng mga miyembrong may past-due housing loan obligations gayundin ang successor/s-in-interest o ligal na mga tagapagmana.
Sa ilalim ng nasabing programa, babayaran ng buo o one-time full payment ang outstanding principal, interest, insurance dues at legal expenses sa loob ng 90 araw simula nang matanggap ng nila ang notice of approval ng aplikasyon. Samantala, walang ninstallment scheme para sa PCPHL.
Kaya hinikihayat namin ang mga delinquent housing loan borrowers na samantalahin ang pagkakataong ito na makapag-apply sa PCPHL upang ang kanilang loan delinquencies.
Maaari silang mag-file ng aplikasyon sa sa pinakamalapit na Housing and Acquired Assets Management Section (HAAMS) sa mga sangay ng SSS na matatagpuan sa Baguio, Tarlac, San Pablo, Naga, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro at Davao. Maaari ring pumunta sa 12/F, Housing and Acquired Assets Management Department, SSS Building, Diliman, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa mga karagdagang detalye, maaari din silang makipag-ugnayan sa Housing and Acquired Assets Management Department sa telephone number (02) 8709-7198 local 5435.