Noong nakaraang linggo, sampung miyembro na ang lumapit sa akin nang personal para humingi ng tulong sa pagpa-file ng kanilang Retirement Benefit Claim. Namangha sila dahil wala pang sampung minuto ay natapos na ang kanilang aplikasyon. Mas matagal pa ang naging kwentuhan namin kesa sa pag-apply nila ng aplikasyon online.
Lahat sila ay mayroon nang nakahandang My.SSS account at bawat isa sa kanila ay mayroon na ring aprubadong bank account na nakaenrol sa kanilang DAEM o Disbursement Account Enrollment Module.
Isa sa kagandahan ng online application ng Retirement Benefit ay mas tipid ito sa oras at pamasahe dahil kahit sa bahay ay pwede nila itong gawin at hindi na nila kailangang gumastos ng pamasahe papunta sa SSS branches. Subalit, kung kailangan naman nila ng gabay sa pagsusumite ng aplikasyon o kung wala silang stable na internet connection sa bahay, maaaring pumunta ang mga miyembro sa ating opisina para gamitin ang E-Center at tulungan silang magsumite ng aplikasyon online, katulad ng ginawa ko para sa mga miyembrong lumapit sa akin. Malaking tulong sa kanila ang mabilis, ligtas at siguradong transaksyon.
Matagal nang online ang aplikasyon ng Retirement Benefit. Maliban na lamang kung ikaw ay hinete, minero, may menor de edad na anak, Self-Employed member na 60 hanggang 64 years old, o may mga natitirang pagkakautang sa Stock Investment Loan Program/ Privatization Loan Program at Educational Loan Vocational Technology – sila ay kinakailangang mag-apply nang over the counter sa anumang sangay ng SSS na malapit sa kanila.
Sakop naman ng online filing ang mga magreretirong employee-members na edad 60 at hiwalay na sa trabaho, lahat ng land at sea-based OFWs at mga Voluntary Members na at least 60 years old sa araw na magpa-file ng claim o lahat ng miyembro (anumang ang kategorya) na 65 years old na sa araw ng pagpa-file ng benepisyo.
Ang mga karagdagang kondisyon ay ang mga sumusunod: una, dapat mayroong at least 120 months na kontribusyon ang miyembro bago ang buwan ng pagpa-file ng retirement application. ,ng paalala bago magfile ng retirement benefit sa SSS. Una, siguruhing iisa lang ang nakarehistrong SS Number. Para sa mga miyembro na higit sa isa ang SS Number, pinapayuhan namin silang pumunta sa SSS branch para ipa-cancel ang isang SS Number bago mag-file ng retirement pension. Para sa mga miyembrong may outstanding balance sa kanilang mga nagdaang short-term member loans gaya ng salary, calamity, emergency loan o restructured loans sa nagdaang condonation programs ng SSS, pinapayuhan naming silang mag-apply sa ating Conso Loan para mabayaran ang kanilang natitirang loan principal at interes at matanggal nang tuluyan ang naipong multa. Ang maganda rito, makukuha nila nang buo at walang kaltas ang kanilang retirement benefit.
Sa mga magpa-file online o over the counter, dapat ay may naka-enroll na Disbursement Account sa My.SSS. Sundan ang mga instructional videos mula sa lehitimong social media pages ng SSS kung paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS o kaya ay magsadya sa pinakamalapit na SSS branch para humingi ng assistance. Tandaan po lamang na iwasan ang makipag-transact sa hindi empleyado ng SSS upang hindi makompromiso ang inyong mga sensitibong detalye at impormasyon.
Ang SSS ay sumasabay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya. Batid namin na mahalaga ang bawat oras ng mga miyembro kaya naman mas pinabilis na ang inyong mga transaksyon gamit ang mga makabagong teknolohiya. Pero hindi lamang mas mabilis na SSS transaction ang aming layunin, nais naming makasiguro na simple at ligtas din ang online facilities na gagamitin ng ating mga miyembro, benepisiyaryo at pensyonado.
Sa mga susunod na araw at buwan, tiyak ko na marami pa sa ating mga miyembro na magpa-file ng kanilang Retirement Benefit ang lalapit sa inyong lingkod at masaya akong tulungan sila sa kanilang aplikasyon. Natitiyak ko muli na mas matagal pa ang aming magiging kwentuhan kumpara sa pagpa-file ng kanilang aplikasyon. Salamat sa digitalization ng SSS!
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan.