Pinasimple, pinadali, at pinagaan na ng SSS ang pagpoproseso ng Maternity Benefit Claims. Sa mga nanganak sa pamamagitan ng Ceasarian delivery, hindi na kailangan pang magsumite ng dokumentong naglalahad ng type of delivery. Parehas na kasing 105 days ang babayaran sa SSS mapa Ceasarian o normal delivery. Hindi na rin dapat pang tumagal ang isang maternity claim kung ang problema sa dokumento ay may maliit o konting pagkakaiba lamang sa detalye. Basta’t mapapatunayan ng miyembro ang pagkalehitimo ng kanyang katauhan. Nasa miyembro na rin kung pipiliin niyang gamitin ang kanyang apelyido sa pagkadalaga o apelyido ng kanyang asawa sa pagpo-proseso ng maternity claim.
Tatanggapin na rin ng SSS ang mga dokumentong may kaakibat na certification mula sa mga bansang apostille. Ang apostille ay sertipikasyon na ang nasabing dokumento ay tunay o authentic.
Samantala, ang mga Solo Parents naman ay kailangan na lang magprisinta ng kanilang Solo Parent ID bilang patunay na sila talaga ay solo parent. Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law, 120 days ang babayaran sa kanila ng SSS.
Parte rin ng mas pinadaling pagpoproseso ng maternity claim ay pagpapadala ng paalala na tumatanggap ang SSS ng maternity notifications ng self-employed, voluntary, OFW at non-working spouse members online. Mag-log in lamang sa My.SSS sa www.sss.gov.ph o kaya ay magdownload ng SSS Mobile App.
====
Paalala po sa aming mga OFW members tungkol sa deadline ng kanilang contribution payments. Para sa January to September 2019 monthly contributions, maaari pa po ninyong bayaran ito hanggang sa last working day ng December 2019. Ang mga kontribusyon naman para sa buwan ng October hanggang December 2019 ay maaaring bayaran hanggang sa last working day ng January 2020. Muli po, ito ay para lamang sa mga OFW member.
====
Bukas pa rin ang SSS sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Enhanced Pension Loan Program (PLP) para sa ating mga retiree pensioners. Katumbas po ng 3, 6, 9 o kaya ay 12 months pension ang maaaring mahiram ng ating Retiree Pensioners. Ang mga pensioners ay maaaring makahiram ng hanggang P200,000 bilang maximum loanable amount na maaaring bayaran hanggang 24 months o dalawang (2) taon. Magsadya lamang sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para sa inyong mga aplikasyon.
====
Huling dalawang episode na lang po tayo sa “Usapang SSS” sa Z Radio 98.7 kaya patuloy pong tumutok sa aming programa sa darating na December 20 at 27 ng alas nuwebe hanggang alas nuebe y’media ng umaga para sa makabuluhang diskusyon at mahahalagang impormasyon tungkol sa SSS.
====
Magpadala po kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa ating mga susunod na column.