Tinalakay natin noong nakaraang Linggo ang tungkol sa SSS contribution payment schedule. Ngayon naman, talakayin natin kung saan maaaring magbayad ng kontribusyon. Bukod kasi sa SSS branches na may tellering facilities, marami ring accredited collecting partners ang SSS na maaaring tumanggap ng payments online, over the counter o gamit ang mobile app options.
Para sa self-employed, voluntary at OFW members na nais magbayad nang over the counter, maaari kayong magpunta sa mga sumusunod na bangko: Asia United Bank (AUB), Bank of Commerce (BOC), Bank One Savings Bank, East West Rural Bank, Gateway Rural Bank, Partner Rural Bank, Philippine Business Bank (PBB), Philippine National Bank (PNB), Rang-ay Bank, Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Robinsons Bank Corporation (RBC), Rural Bank of Hindang (Leyte), Rural Bank of Lanuza (Surigao del Sur), at Union Bank of the Philippines (UBP). Parehas lang din ang listahan para sa regular employers at household employers maliban lamang sa RBC na hindi pa bukas para sa employer payments.
Maaari ring i-access ng regular employers ang E-Gov facility ng Bancnet para magsagawa ng SSS payments sa Asia United Bank, Banco de Oro, Bank of Commerce, China Bank, Citibank, CTBC Bank, Deusche Bank, East West Bank, Metropolitan Bank and Trust Company, MUFG Bank, Philippine Bank of Communication, Philippine National Bank, Philippine Veterans Bank, Philtrust Bank, Rizal Commercial Banking Corp., Robinsons Bank Corporation, Standard Chartered Bank and Sterling Bank of Asia.
Maaaring bisitahin ng members ang website ng Land Bank of the Philippines (LBP) – Link.BizPortal, Robinsons Bank Corporation (RBC), Security Bank Corporation (SBC) – SBOL at Union Bank of the Philippines (UBP) para sa kanilang SSS payments. Gayundin ang LBP Link.BizPortal at SBC-SBOL para sa household employers; at BPI Bizlink, LBP Link.BizPortal, SBC-Digibanker at UBP para naman sa regular employers.
Pati sa mobile app ng partner banks ay pwede na ring magsagawa ng SSS payments. Ang mobile app ng UBP ay accredited para sa individual paying members, regular employers at household employers. Ang SBC-SBOL mobile app naman ay nakalaan sa household at individual employers samantalang ang RBC naman ay para sa individual paying members.
May mga Non-Bank Collecting Partners din ang SSS tulad ng Bayad Center, EC Pay at SM Mart, Inc., na pwedeng alternatibo ng individual members, household employers, regular employers at OFWs sa pagbabayad ng kontribusyon at loan.
Ilan pa sa payment options ay ang mobile app at website ng AltPayNet at Bayad Center, sa SSS mobile app na may link sa GCash, Maya, BPI Credit/Debit Card at ShopeePay at panghuli ang Billeroo. Para naman anytime, anywhere basta’t may mobile internet ay maaaring magtransact ng payments sa SSS.
Para naman sa OFW members na nasa abroad, nariyan ang Asia United Bank (AUB), Bank of Commerce (BOC), Philippine National Bank (PNB), iRemit Inc., Pinoy Express Hatid Padala Services Inc., at Ventaja International Corporation para tumanggap ng over the counter payments. Bukod sa lahat ng sangay ng SSS na may tellering facilities, ang mga OFWs ay maaari ring magbayad sa SSS DMW branch na matatagpuan sa Balik Manggagawa Center, POEA Bldg., Ortigas Ave. cor EDSA, Mandaluyong City.
Pwede rin nilang gamitin ang mobile app ng mga sumusunod na collecting partners: AltPayNet, Bayad Center, GCash, iRemitX, Maya, Rewire, Robinsons Bank, Security Bank SBOL, ShopeePay, Unionbank; gayundin sa website ng AltPayNet, Bayad Center, Land Bank of the Philippines – LinkBizPortal, REmitX, Robinsons Bank, Security Bank SBOL at Union Bank; pati na rin ang SSS Mobile App na may link sa GCash, Maya, BPI Credit/Debit Card at ShopeePay; at SSS website na may link naman sa Billeroo.
Isa rin sa pinakamadaling option ay ang Auto Debit Arrangement (ADA). Convenient ito para sa mga miyembro dahil hindi na nila kailangan pang magbayad over-the counter. Kinakailangan lamang na may sapat na pondo ang kanilang bank account kung saan otomatiko nang ibabawas ang babayarang kontribusyon ayon sa schedule nito. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa aming ADA partners: Bank of the Philippine Islands, Country Builders Bank, First Consolidated Bank, Metropolitan Bank and Trust Company at Philippine National Bank.
Paalala rin na kailangan ang Payment Reference Number (PRN) para makapagbayad ng inyong contribution sa mga nabanggit na accredited collecting agents. Ang PRN ay maaaring ma-generate sa inyong My.SSS account o sa SSS Mobile App.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba’t-ibang payment channels ng SSS, maaari niyo ring basahin ang SSS Circular 2023-015 https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=CI2023-015.pdf. Malaking bagay ang alternatibong payment channels para mas maraming options ang pwedeng pagpilian ng ating mga miyembro at employers. Hangad namin ang makapagbigay ng mas madali at mas maginhawang transaksyon sa lahat.
Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan. Ang Usapang SSS ay nasa radyo na rin! Tumutok sa 96.7 K-Lite tuwing Lunes, 8AM hanggang 9AM. Maaari rin kaming panoorin ng live sa 96.7 K-Lite FM FB page.