GIFTS FOR KIDS – Bilang bahagi pa rin ng pakikiisa ng kapulisan sa 30th National Children’s month, ang mga kapulisan ng Baguio City Police Office (CPO) na nakatalaga sa City Headquarters at Tourist Police Unit (TPU) ay namahagi ng mga munting regalo sa mga kabataan.
Ang Baguio CPO – TPU katuwang ang Baguio City Social Welfare and Development Office (CSWD) ay namahagi ng mga school supplies sa 64 na mag-aaral ng isang day-care center sa Brgy. Lualhati.
Nagsagawa rin ang kapulisan ng lectures patungkol sa Anti-Bullying at Oral Hygiene na sinunandan naman ng parlor games na labis na ikinatuwa ng mga nasabing mag-aaral.
Samantala, ang mga Baguio CPO Headquarters personnel kasama ang Baguio City Jail ay nagbigay ng munting regalo sa mga anak ng Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon sa Baguio CPO, 25 na mga kabataan ang nahatiran ng maagang pamasko na galing sa ambagan ng mga nasabing personnel. Sila rin ay nagsagawa ng story-telling activity para sa mga ito.