Kada araw, libo-libong SSS members ang pumupunta sa SSS branches upang mag-claim ng mga benepisyo, mag-apply o magbayad ng utang, mag-update ng SSS records at i-check ng kanilang mga kontribusyon at status ng kanilang benefit claims.
Hindi naman maikakaila na humahaba ang mga pila sa ilang sangay ng SSS. Minsan nga ay umaabot ang pila hanggang sa labas ng opisina kaya’t hindi maiwasang uminit ang ulo, ma-stress, at maglitanya ang ating mga miyembro. Dahil dismayado sila, ito pa ang nagiging rason upang ipagpaliban ang kanilang mga transaksyon sa SSS.
Kaya’t puspusan na lamang ang panghihikayat ng SSS sa mga miyembro nito na gamitin ang iba’t ibang online platforms. Sa katunayan, mas pinapaganda ngayon ng SSS ang kanilang electronic facilities upang madagdagan ang mga transaksyon na maaaring gawin online at paramihin pa ang mga paraan kung saan maaaring makapagbayad sa SSS. Kung online na, hindi na kailangan suungin ng miyembro ang matinding traffic para lamang pumila sa ating mga counters. Gamit ang laptop na may internet o mobile phones ay mas mabilis at mas maginahawa silang makikipagtransaksyon sa SSS.
Batay sa datos na inilabas ng SSS para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019, 26.63 milyon o 72 porsyento ang over-the-counter transactions samantalang 10.54 milyon o 28 porsyento naman ang gumamit ng electronic channels .
Umabot sa 5.49 milyong individual members ang nagrehistro sa pamamagitan ng website noong Enero hanggang Hunyo 2019.
Dito naman sa SSS Baguio mula Agosto 12 hanggang 23 ngayong taon, ang karaniwang bilang ng mga miyembrong nagrehistro sa SSS gamit ang Web Registration sa E-Center ay nasa 49. Samantala, mga 27 miyembro naman ang nagreset ng kanilang password sa pamamagitan ng E-Center. Tumagal ang kanilang transaksyon sa aming mga E-Center sa loob lamang ng lima hanggang pitong minuto.
Batay sa mga naitalang datos, inaasahan ng SSS na maitataas sa 32 milyon ang web transactions nito sa taong 2020. Sinabi Galing ito mismo nikay SSS PCEO Aurora Ignacio sa isang press conference kasabay ng sa nakaraang pagdiriwang ng ika 62 Anibersaryo ng ahensya.
Sa kasalukuyan, may anim na electronic channels naang maaaring gamitin ng mga miyembro at pensyonado. Ito ay ang SSS Website sa My.SSS, SSS Mobile App, Self Service Express Terminal, Interactive Voice Response System, Text-SSS at electronic payment channelsGCash payments.
====
Nais naming ipaalam sa aming mga pensioners na bukas po ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pinansyal. Inaanyayahan namin ang aming mga pensiyonado na nais mag-avail ng PLP na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.
====
Nais po nating batiin si Mr. Arvi John Resultay, CEO II ng SSS Agoo Branch, dahil kinilala siya bilang isa sa mga Outstanding Government Workers ng Civil Service Commission sa ilalim ng Dangal ng Bayan Award category. Congratulations Sir at nawa’y maging inspirasyon at ehemplo kayo hindi lamang sa SSS kundi pati na rin sa iba pang kawani ng gobyerno.
====
Patuloy po na tumutok sa ating “Usapang SSS” sa radyo tuwing Martes ng 10:30 am sa DZWT 540 Khz, at tuwing Biyernes ng 9:00 am sa 98.7 Z-Radio.
====
E-mail niyo po ako sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa mga susunod na column.